TBS 25 - Laurice and Alexus Conversation.

9.5K 184 4
                                    

Chapter 25 • 

Alexus Pov • 

NANLALAKI ang mga matang napatunganga ako kay Laurice. 

"You have a twin sister?" 

Tumango ito. "And damn that bitch! Malamang na siya ang nagpunta rito at nagpanggap na ako." 

Parang binagsakan ako ng Langit sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ako sa mga natuklasan kong panloloko ng kakambal ni Laurice.

O kung manghihinayang ako dahil hindi pala ito ang babaeng pinakasalan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman ng mga sandaling iyon. 

Hindi ako makapaniwalang ang babaeng nakasama ko sa loob ng halos isang buwan ay replica lamang ng asawa ko. 

Jesus! Ibang tao pala ang tinanggap ko at itinuring na asawa, at hindi man lang ako nagduda?

Mabigat ang mga hakbang kong lumapit kay Laurice. 

"But you never told me you have a twin sister. Kahit kailan, wala kang nabanggit tungkol doon." 

"Ang walanghiyang iyon..." Galit ang nasa mukha nito. Ngunit hindi nito sinagot ang tanong ko. 

"Kasalanan mo LAurice. Bakit ka nagsinungaling sa akin?" 

Napatda ito. 

"Nakasal tayo at nagsama nang wala ka man lang nababanggit na may kakambal ka? How could you do that? After all these mess, saka mo sasanihin ng tungkol sa kanya?" Malaking puzzle sa akin kung bakit parang sinadya nitong hindi banggitin sa akin ang tungkol doon. 

"Itinakwil na namin siya ni Daddy Alexus." 

"Itinakwil?" Nagsalubong ang mga kilay ko. "Kakambal mo, Itinakwil mo? Bakit mo nagawa iyon sa kanya?"

"Kumampi siya sa mommy kung taksil sa halip na kumapi kay Daddy. Nagalit si daddy sa kanya at sinabi sa akin na kalimutan ko nang mayroon akong ina at kapatid." 

Nanlulumong naisuklay ko ang mga daliri sa buhok ko.  Isang matalim na tingin ang ipinukol ko rito. Sigurado na akong ang kaharap at kausap ko ngayon ay ang totoong Laurice, ibang-iba sa Laurice na nakasama ko nang nagdaang isang buwan. 

"Hindi ka man lang nagduda na hindi ako ang kasama mo?" Galit na buwelta nito sa akin." I couldnt believe this. Alexus Laurel was easily deceived by an impostor." 

Hindi ako nakasagot. Sa halip ay nagtuloy ako sa terrace at tumanaw sa malayo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I felt empty.

May kahungkagang pumupuno sa puso ko ngayong nalaman kong hindi si Laurice ang nakasama ko sa halong isang buwan at natutunang mahalin. 

"Si Lorraine pala ang tinutukoy na babaeng kasama mo rito sa villa!"Galit na sikmat ni Laurice nang sumunod ito sa akin sa terrace. 

Lorraine... Lorraine pala ang pangalan niya. 

"What happened between the two of you? Habang narito siya?" Tanong nitong may kasama pang hampas sa balikat ko. 

Hinarap ko ito. 

"Why dont you answer me? For sure, may nangyari na sa inyo habang narito siya dahil nagpanggap siyang ako. Bakit ka nagpalinlang sa kanya?" 

Muli ay isang matalim na tingin ang isinagot ko rito. 

"Ikaw nga tunay na Laurice. My wicked, immature, and selfish ex-wife." 

Napatigil ito sa sinabi ko. "What do you mean ex-wife? Hindi pa naman annulled ang kasal natin ah? Were still married". 

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon