TBS 27 - Si Alexus

9.4K 201 4
                                    

Chapter 27 ♥ 

Lorraine Pov • 

"OKAY kana miss?" tanong sa akin ng mga tanod ng nakasabat sa akin. Dinala ako ng mga ito sa barangay hall matapos nila akong makitang nagsisisigaw habang tumitili. 

Nahimasmasan na ako dahil batid kung ligtas na ako. 

"Yes, thank you," nakangiting sabi ko matapos mainom ang malamig na tubig na iniabot sa akin. 

"Nakipag-coordinate na ako sa mga pulis. Pagdating nila ay pupunta kami sa bahay na itinuro mo bago pa makatakas ang suspect." sabi ng bgry. chairman 

"Yes sure." 

Nanginginig pa ang mga kamay ko ng lumapit ako sa kinaroroonan ng telepono. Tatawagan ko si Alexus. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay natigilan ako. Bakit ko tatawagan si Alexus?

Hindi naman ako ang asawa nito. Hindi ba napagdesisyon ko na nga na putulin na ang lumalagong damdamin ko dito bago pa lumaki ang kasalanan ko kay Laurice? 

At hanggang kaya ko pa itong kalimutan... 

--------------------------------------- 

MALAKI ang pasasalamat ko sa mga Antipolo police na tumulong sa akin at nagmagandang-loob pang ihatid ako hanggang sa bahay sa Tandang Sora. Naibalik na rin sa akin ng mga ito ang bag at pinamili na naiwan sa sasakyan ni Robby. 

Inihabilin ko na sa mga awtoridad ang dapat gawin kay Robby. Hindi ko pa nadesisyunan kung sasampahan ko ito ng demanda. Pansamantala ay ikinulong ito dahil hindi ko man ito idemanda ay may dahilan ang mga pulis para ikulong ito. 

Dahil sa shabu na nakumpiska rito. 

"Naku, Ma'am Lorraine! Anong nangyari sa inyo?" gulat na salubong sa akin ng mga katulong. 

"May nangyaring hindi maganda sa akin eh." nahahapo ko pang sabi saka ibinagsak ang puwit sa sofa at inilapag sa baldosa ang apat na shopping bags ng mga pinamili ko ng nagdaang araw. 

"Ano ho ang nangyaring masama?" nag-aalalang tanong ni Ibyang. 

"Kinidnap ako ng isang taong may kay Laurice." 

"Ho?! ano ho ang nangyari?" 

Ikwwnento ko sa dalawang katulong ang mga nangyari. 

"Kasalanan naman kasi ni Ma'am Laurice yan eh." sabi ni Ibyang. "Pati tuloy kayo eh nadamay. Nakapagtatala talaga, magkamukhang-magkamukha ako kayo pero ang layo ng mga ugali niyo." 

Bewitching Stranger (Completed)Where stories live. Discover now