Kabanata 2

12.5K 266 5
                                    

Lorraine Pov *

"BAKIT hindi man lang ako pinasabihan ni Laurice Tita Celia?" baling ko sa tiyahin ko matapos kong mag alay ng maikling panalangin sa harap ng puntod ng daddy ko.

"Ewan ko sa kapatid mo Lorraine," Naiiling na sagot nito.

Pinunasan ko ng tissue paper ang mga luhang bumasa sa mga eyelashes ko. Matagal na katahimikan ang sumunod na nanaig sapat para lalo akong maramdaman ang pait sa pagkawala ng aking ama.

Kailan ko ba siya huling nakita?

Eight years ago...

Ang daming nasayang na panahon. Kung hindi nagkahiwalay ang mga magulang namin ay hindi sana ganoon kasakit sa akin ang pagkawala ni daddy. Two weeks ago na pala itong sumakabilang buhay.

"That bitch!".

Nagtatagis ang mga bagang na naibulong ko ng maalala ko ang kakambal ko.

"Kahit ba sa pagkawala ni Daddy, hindi parin niya ako naalalang tawagan man lang? Ama ko rin ang ama niya. May karapatan din akong malaman kung ano ang nangyari. At hindi naman napakalayo ng Bacolod para hindi man lang niya ako mapasabihan."

"Pinarusahan ko nga siya pag dating ko hindi ko naman akalaing hindi ka man lang niya binalitaan. Pero ang ikinatwiran niya eh. Hindi raw niya alam kung ano ang address nyo sa Balocod".

"Dalawang pasko akong nagpadala ng Christmas card sa kanya kahit malalim ang sama ng loob ko sa kanya. Sumulat rin ako sa kanya ng mamatay si Mommy. Pero kahit wala siyang sinagot, alam kong natanggap niya iyon. Kaya imposibleng hindi niya alam kung saan ako susulatan tita Celia."

"Ewan ko ba sa kakambal mong yan. Pinatigas na rin ng Daddy niyo ang kalooban niya."

"Hindi sila dumating noong namatay si Mommy. Pagkatapos ngayon, hindi rin niya ako binigyan ng chance na makita si Daddy for the last time, at ipinacremate niya ng hindi man lang hinihintay ang desisyon."

"It was your daddy's decision Lorraine ibinilin niya noong buhay pa siya." Muli kong pinunasan ang mga luha sa sulok ng mga mata ko.

Walang kasalanan si Mommy, Daddy bakit hindi kayo naniwala? Bakit mas pinaniwalaan niyo si Laurice? lihim kong tanong sa puntod ni daddy. Gusto kong mapoot kay Laurice.

PALUBOG na ang araw ng lisanin namin ni tita Celia ang memorial park.

"Mabuti na lamang at naibalita niyo sa akin ang nangyari kay Daddy tita Celia." Sakay na kami ng kotse pauwi sa bahay ni Daddy.

"Matagal na kitang gustong tawagan nang mabalitaan ko ang nangyari sa daddy mo. Kaya lang wala akong way para malaman kung saan ka mako-contact ng makabalik na ako sa Pilipinas ay hinanap ko ang Tita Grace mo. Mabuti na lang at natatandaan ko pa ang bahay niya sa Binangonan. Kaya lang ay hindi ako kaagad nakabalik in time for your dad's funeral. Kaya late na rin kitang natawagan."

Galing mula sa Guam si tita Celia na pinsang buo ni daddy Augusto. Ipinetisyon na ito ng mga anak three years ago.

Umuwi lamang daw ito sa pilipinas para sa funeral ni daddy ngunit hindi rin ito agad nakauwi dahil kapapanganak lamang ng bunso nitong anak.

"Damn her!"

galit na naibulalas ko. Sino ba namang kapatid ang hindi magagalit sa ginawa ni Laurice na hindi man lang niya ibinalita sa'kin ang pagkamatay ni daddy.

"Parang hindi niya ako kaanu-ano. May feeling akong sinadya talaga niyang ilihim sa akin ito. Hindi ba niya alam kung gaano ito kasakit sa akin?"

Hindi pa kami nagkikita ni Laurice mula ng dumating ako sa manila kaninang umaga. Hindi ko ito inabutan sa bahay ng daddy namin.

Bewitching Stranger (Completed)Where stories live. Discover now