TBS 20 - Phobia! - Lorraine ♥

8.8K 192 6
                                    

Chapter 20 *

Lorraine Pov

HINDI na kami nakabalik sa Villa Royale ng gabing iyon. Sa mansion ng mga Laurel uli kami nagpalipas ng gabi. 

Hindi ko inaasahan na tatabi sa akin si Alexus. Ngunit sa pagkadismaya ko, paglapat na paglapat ng katawan nito sa kama, ilang saglit lamang ay nakatulog na ito. 

Tumabi nga sa akin, tinulugan naman ako... 

Pero agad kong sinaway ang sarili dahil sa isiping iyon. Hindi ako dapat umasang may manyayari sa amin ni Alexus.

Hindi ko dapat makalimutan kahit isang saglit na asawa ito ng kakambal ko. Dapat nga ay umiiwas akong maging intimate kami. 

Patalikod na humiga ako sa tabi nito. Naglagay rin ako ng malaking unan sa pagitan namin. 

-------------------------------

Isang malaking campaign rally ang idinaos sa pinakamataong bahagi ng bayan nila ng gabing iyon. napuno ng tao ang park.

Nasa backstage ako at nakikinig sa talumpati ni Alexus ng mapansin ko ang isang lalaking natamang nakatingin sa akin.

Ilang dipa lang ang layo nito sa akin. Sa tantiya ko ay mukhang matagal na ito doon. Nagulat ako ng ngitian ako nito.

"Sino kaya tong lalaking yon? Hindi ko siya kilala" 

Ngunit naisip ko na baka kakilala ito ni Laurice kaya ginantihan ko ang pag ngiti nito. mayamaya pa ay lumapit na ito sa akin.

Napansin kong nakasunod dito ang tingin ng bodyguard ni Alexus.

"Hi Laurice." bati nito sa akin

"H-hi."

Ganting bati ko rito kahit hindi ko alam kung sino ito. He was good-looking and decent-looking. He was wearing an expensive clothes and jewelries. 

"Kumusta kana?"

Malapit na malapit ito sa akin. Nakakailang na ang nearness nito kung kayat bahagya akong umatras. 

"Pasensya kana. Alam kung hindi dapat kita pinuntahan dito at nilapitan pero miss na miss na kita honey, Im dying to see you again." Mahinang sabi nito sa akin. "Magkita tayo please. Gusto kong mag usap tayo. Hindi ko matanggap na bumalik ka kay Alexus." 

Naalarma ako. Ito kaya si Robby Sandico? 

Muli akong napaatras. "Please R-robby, umlis kana. Baka makita ka ni Alexus." 

"Ang sabi mo wala na kayo at hindi ka na babalik sa kanya." Umangat ang kamay nito dumapo sa mga balikat ko. 

Pumiksi ako at umiwas. Bigla akong napalingon sa pintong lagusan ng mga nasa stage papunta sa backstage ng maramdaman ko ang presensiya ni Alexus na nakatayo roon. 

Matalim ang tingin nito sa akin. Nag aakusa. Nag kokondena. 

"God!" 

Itinulak ko si Robby at nagmamadaling lumapit ako sa kinaroroonan ni Alexus. Ngunit bago pa ako lubusang makalapit dito ay umiwas ito sa akin.

Hindi ko na ito sinundan pa.

Alam kong nagpupuyos ang kalooban nito pero ayaw lamang gumawa ng eskandalo ng mga sandaling iyon. 

Nang tanawin ko si Rooby ay nakita o itong palulan na ito sa isang red safari. 

---------------------------------- 

Bewitching Stranger (Completed)Where stories live. Discover now