TBS 19 - Campaign Party

8.3K 169 6
                                    

 Alexus Photo on side enjoy reading..  -------------->

AN : Nag papacute si Alexus sa campaign propaganda nia. HAHAHA ang cute nia mag peace sign, paki play po yung music video sa gilid pag kinanta na ni Alexus yong growing old with you parang damang dama :)) 

Chapter 19 * 

Lorraine Pov ♥ 

SA PARTY ng partido kung saan ipa-finalize ang line-up para sa darating na local elections ay pinilit ko na maghanda ng magandang ngiti. 

Sa pagbaba pa lamang ng kotse ay inalalayan na ako ni Alexus. Para itong isang tunay na mapagmahal na asawa. Kunsabagay pareho lang naman kaming nagkukunwari. 

"This is my wife Laurice." 

Pakilala ni Alexus sa akin sa harap ng mga pulitikong naroroon. Ginanap ang pagtitipon sa isang hotel. 

"Well hindi ko alam na may itinatago ka palang napakagandang asawa." sabi ng isang congressman. 

"Kaya nga itinatago ko Congressman eh." pabirong sagot ni Alexus. 

Kitang-kita ko ng pumakla ang ngiti ni Alexus. Sa paglipas ng mga oras ay hindi ako iniwan nito. Pakiramdam ko ay on guard ito lalo at may lumalapit sa akin na ibang lalaki.

Nagalit pa nga ito sa isang konsehal dahil napansin naming halos hindi umaalis ang tingin nito sa akin. 

-------------------------------------

"PUWEDE ba next time huwag ka ng masyadong magpaganda. Mas gusto kong simple ka lang. Parang ikaw ang kakandidato eh. Sayo naka-focus atensyon ng lahat. Kunsabagy iyon naman ang gusto mo hindi ba?" iritadong sabi ni Alexus sa akin. 

"Alexus pwede ba?" inis din na reaksyon ko.

"Stop insulting me. Ikaw naman ang nagsabing I have to look my best hindi ba? Kung ganito lang ang palaging mong gagawin sa akin, mabuti pang huwag mo na akong isasama sa mga lakad mo." inirapan ko ito. "Ngayon malinaw na sa akin. Na kaya mo ako tinanggap ulit ay hindi dahil gusto mo akong bigyan ng another chance ang marriage natin, kundi para parusahan ako at isumbat ang mga kasalanan ko noon."

Ang hindi nito pag-imik ay ipinagpalagay kong pag-amin na totoo ang sinabi ko. Hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa akin kahit alam nitong nasaktan ang damdamin ko. 

-----------------------------------

HINDI parin nakakahalata ang mama ni Alexus na sa gabi ay sa guest room ito natutulog. May mga gabi ring hindi ito umuuwi at walang paliwanag sa akin kung saan ito nagpapalipas ng gabi. 

Nabanggit sa akin ni Mrs. Laurel na nasa karatig-bayan lamang ang bahay ng mga Laurel. Malamang na doon nagpapalipas ng gabi si Alexus kapag hindi nakakabalik sa isla. 

Sa unang araw ng kampanya ay pormal  na ipinakilala si Alexus sa isang political rally sa plaza sa harap ng municipal hall. At syempre ay kasama ako sa mga campaign nito. 

Malakas na palakpakan ang isinalubong kay Alexus nga mga taga Olandes. Iyon ang nagpatunay sa mainit na pagtanggap ng mga constituents sa bayang iyon sa kandidatura nito.

Mas malakas ang palakpakan ng mga kababaihan, lalo na ng mga kadalagahan ng tawagin si Alexus sa sentro ng stage para magsalita.

Hindi ko maunawaan ang inis ng nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. May mga nagtitilian pang kababataang babae at bading.

Sa kalagitnaan ng pagtatalumpati ni Alexus ay itinuro ako nito at buong pagmamalaking ipinakilala bilang maybahay nito. Tumayo ako at kumaway sa mga tao. Kasama ng ngiting pinilit kong maging natural. 

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon