Kabanata 3

11.6K 252 6
                                    

Chapter 3 ♥

Lorraine Pov *

MAYAMAYA ay dumating na rin si Laurice. Isang balikong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito ng makita ako.

"Oh! Hi twin-sister. Totoo nga palang narito ka".

Kahit nakangiti ito ay hindi ko maramdaman ang kasiyahan nito na makita akong muli pagkatapos ng walong taon. Wala sa mukha nito ang pagdadalamhati. Para bang hindi kamamatay lamang ng aming ama.

"Pasensya ka na. Hindi man lang kita na-welcome," Dagdag nito at naupo sa beanbag.

Isang matabang na ngiti lamang ang isinagot ko rito. Matinding hinanakit ang nararamdaman ko para dito sa hindi nito pagsasabi sa'kin sa nangyari sa daddy namin.

Fourteen years old lamang kami ng magkahiwalay. Tulad ko ay matured na ito. Ngunit nasa anyo na nito ang kagandahang hinabi ng sopistikasyon.

Galit at bitterness ang nararamdaman ko para sa babaeng 'to. Marami na itong kasalanan sa'kin at sa buong pamilya namin. Hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataong komprontahin at sumbatan ito sa mga nangyari.

Kinalimutan ko na sanang gawin yon ng maging ganap na akong dalaga, kahit na sa kanya ko isinisisi ang paghihiwalay ng mga magulang namin. Nagpadala pa rin ako ng cards sakanya. Trying to send her a message na anuman ang mga nangyari ay magkapatid pa rin kami.

Hindi lamang ordinaryong magkapatid, kundi magkakambal. Siyam na buwan kaming nagsama sa sinapupunan ng mommy namin.

"Aren't you going to kiss me, my dear twin-sister?" tanong ni Laurice na pumukaw sa'kin. "Tititigan mo na lang ba ako? Ina-assess mo ba kung sino sa ating dalawa ang mas maganda?"

"Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?" sarkatisko rin na tanong ko. Humakbang ako palapit dito.

"Anong gusto mong sabihin ko? 'How are you?' 'Nice seeing you again?" there was mockery in her voice.

Huminto ako sa harap niya. Nakatingala ito sa akin dahil hindi ito umahon mula sa kinauupuan.

"Damn you, Laurice! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang pagkamatay ni Daddy? Ano bang akala mo? Na ikaw na lang ang anak niya ha?" Sinikap kong kontrolin ang galit subalit nagsisikip ang dibdib ko sa naipong sama ng loob ko para sa babaeng 'to.

"Ayaw ni Daddy. Siya ang nagsabi sa aking kalimutan na namin kayo. Sinunod ko lang ang gusto niya."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Masakit sa'kin ang isiping namatay ang daddy naming hindi nalalaman ang totoo. Hindi man lang naayos ang pagsasama nila ni mommy.

"Kasalanan mo 'tong lahat, Laurice! Kung hindi ka kumampi sa pamilya ni Daddy ay hindi magkakaganito. Ikaw ang sumira sa pamilya natin!"

"Kasalanan naman talaga ni..." Hindi nito naituloy ang sasabihin nang isang matalim na tingin ang ibato ko sa kanya.

"Kasalanan nino?" Matigas na tanong ko.

"Walang kasalanan si Mommy. Namatay siyang dala pa rin ang sama ng loob sa'yo. God knows na wala siyang relasyon sa driver natin. Kagagawan lang iyon nina tita Alice at Tita Raquel dahil sa umpisa pa lang ay tutol na sila kay Mommy para kay Daddy. Paano, mula nang magpakasal si Daddy kay Mommy ay halong tumigil na ang suporta sa kanila ni Daddy. Itinuring nilang kaagaw si Mommy kay Daddy kaya gumawa sila ng paraan para sirain si Mommy sa paningin ni Daddy. Pero sa halip na si Mommy ang kampihan mo, kina Tita Alice ka kumampi at naki-ayon dahil marami silang ipinangako sa'yo. Napakawalang kwenta mong anak!"

"Hindi mo naman alam ang totoo ah!" sikmat ni Laurice. "Siyempre, Itatanggi sa'yo ni Mommy na may relasyon sila ni Erning. Pero ano ang ibig sabihin nang nakita kong nasa kwarto niya ang lalaking 'yon?"

Bewitching Stranger (Completed)Where stories live. Discover now