Kabanata 4

11.4K 256 3
                                    

Lorraine pov

AKALA ko magtatagal ako dito sa Maynila dahil ngayon lang kami ulit nagkita ni Laurice. Ngunit lalo lamang pala akong masasaktan dahil mas sumama ang ugali ng kakambal ko.

Iniwan at inihabilin ko sa pinsang si Mayette ang Beauty Salon na pag-aari ko. Naipundar namin ni mommy ang salon bago siya namatay at unti-unti kong napa-unlad 'yon.

Tatlo na ang branches ng Salon namin sa bacolod kung kaya't hindi ko na din naisip pang bumalik ng Maynila. Tahimik na ang pamumuhay naming mag-ina roon matapos kaming ipagtabuyan ni daddy. Naroon ang malalapit na kamag-anak ni mommy.

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon hindi ko ine-expect ang pag dating ng ama namin ni Laurice. isa itong ship captain sa isang luxury cruise mas madalas na nasa labas ito ng bansa.

Bigla itong dumating para lamang komprontahin si mommy. Galit na galit ito. Sa unang pagkakataon ay napagbuhatan niya ng kamay si mommy pinagbibintangan itong may relasyon sa aming driver.

Nangyari 'yon dahil sa sumbong ng kanyang mga tiyahin nakatira lamang sa iisang compound.

Hindi pinakinggan ni daddy si mommy. Nabulagan na ito ng poot at panibugho dahil sa mga larawang nagsasabi na magkasamang pumasok sa motel si mommy at si Erning. 

Alam ko ang katotohanan. Nagsumbong si Erning kay mommy na nakita daw nitong pumasok sa motel si Laurice kasama ang isang kaklaseng lalaki agad na nagpasama si mommy kay Erning sa motel at walang kamalay-malay si mommy na may nakahanda na palang kukuha ng litrato sa mga ito isang lalaking binayaran nina tita Alice dahil ang totoo ay wala naman doon si Laurice.

Mas pinaniwalaan ni daddy ang sumbong ng mga kapatid nito dahil sa pag-amin ni Erning, na lingid sa kaalaman ni daddy ay binayaran nina Tita Alice nakadagdag pa roon ang pagpanig ni Laurice sa mga tiyahin namin.

Malinaw pa rin sa mga alalaa ko nong araw na pinalayas ni daddy si mommy at pinapili ako kung kanino ako papanig. Sumama ako kay mommy at naiwan si Laurice kay daddy.

Dahil sa sama ng loob ni mommy kay daddy ay hindi na nagkabalikan ang mga ito, nagpunta kami ni mommy sa mga kamag-anak nito sa balocod, partikular sa Lola Tarsing ko at doon kami muling nagsimula.

Natutuhan na rin namin ni mommy  na mamuhay ng masaya pagkatapos ng nangyari. We have to move on at napatunayan na naming there's still happy days matapos kaming ipagtabuyan ni daddy.

Nakatapos ako ng kursong Marketing at nagtrabaho ng anim na buwan sa bangko sa bacolod. Ngunit pagkatapos niyon ay nagdesisyon akong tumulong na lamang sa pagpapalago ng negosyo ni mommy.

Hindi na muling nagmahal si mommy sa halip ay naging active ito sa pamumuno ng mga samahan sa aming lalawigan at ako? naging makulay ang pagdadalaga ko nagkaroon ako ng dalawang boyfriend pero walang naging seryoso. Samantalang si Laurice nag asawa sa edad na bente.

Palabas na ako ng guest room ng masalubong ko si tita Celia. 

"You're not leaving Lorraine. Kinausap ko na si Laurice hindi ka niya pwedeng paalisin sa bahay na ito may karapatan ka rin dito. You can stay here as long you want ngayon nga lang tayo nagkita ulit aalis ka pa." 

"Mabuti pang hindi na kami nagkita ulit tita hopeless case na si Laurice. Hindi na siya magbabago". napailing ako habang nakaupo sa beanbag habang binibitawan ang maletang hawak ko.

"Huwag mo nalang siya pansinin." Naupo naman ito sa gilid ng kama.

"You know what Tita? Ewan ko kung tama 'tong nararamdaman ko pero kaninang sinumbatan ko si Laurice ang ine-expect ko ay hihingi siya ng tawad hindi sa akin kundi kay mommy kaya lang sa halip na yon ang gawin niya. binigyan pa niya ng katwiran ang ginawa ni Daddy na ipagtabuyan si Mommy. Ni wala siyang guilt na nararamdaman sa pag-ayon niya sa mga maling sumbong nina Tita Alice." 

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon