Kabanata 6

10.3K 252 7
                                    

Loraine Pov 

MARAMI na akong naririnig tungkol sa kagandahan ng Villa Royale bago pa man ako makarating doon ngunit kulang rin ang mga yon para madescribe ang isla walang eksaktong larawan ang makakapag larawan ng kagandahan nito.

May isang grupo ng mga native sa islang yon na sumasalubong sa mga turistang nag sisidatingan may nakahanda ng ngiti sa labi ang mga batang babaeng nasa pagitan ng sampu at labing dalawang taon.

Nakasuot ang mga ito ng ternong blouse at mahabang paldang bulaklakin na masaya ang kulay.

May isinasabit ang mga itong sampaguita sa leeg ng bawat turista may libre ding refreshment.

"Thank you".

Nakangiting sabi ko sa batang nag abot sakin ng buko juice na nasa disposable cup. Dumukot ako ng one hundred pesos sa bulsa ng suot kong jeans at tsaka ibinigay sa bata bilang tip nito sa pag bibigay sakin ng inumin.

Isang matamis na ngiti ang isinukli nito sa akin natukso akong kumuha ng isang hiwa ng papayang manibalang pa ngunit mukhang matamis.

"Mukhang mapapasarap ang vacation ko dito sa Villa".

Naisip kong napakaswerte ni Laurice naging bahagi pala nito ang islang iyon.

"Imagine, dito siya itinira ni Alexus. And owning a beach house in this paradise is worth a fortune". 

Nang hihinayang akong isipin na hindi inalagaan ni Laurice ang relasyon nito at ni Alexus.

----------------------

PIPILI sana ako ng isang water cottage ngunit nag-iisa lamang ako. Bukod sa hindi praktikal mukhang hindi ako makakatulog sa hampas ng mga alon sa mga haligi ng cottage.

Ipinasya ko na lamang kumuha sa hotel ng isang suite. Papasok na sana ako ng elevator ng may dalawang babaeng bumati sa akin. 

"Hi!"

Noong una ay nagtaka ako.

Ngunit naalala ko si Laurice malamang na kilala ito ng mga babaeng bumati sa akin. Gumanti na lamang ako ng "hi" at matamis ding ngiti. Paglabas ko ng elevator ay isang staff naman ng hotel ang bumati sa'kin ng "Goodmorning Mrs LAUREL."

Mrs Laurel....

Alam kong hindi na nakita ng bumati sa akin ang naging reaksyon ko ng tawagin ako nitong "Mrs Laurel".

"Napagkamalan na naman akong si Laurice".

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiling ngunit ng makapasok na ako sa suite na inupahan ko ay bigla akong kinabahan. Hindi kaya nagkamali ako ng desisyong magbakasyon sa islang iyon?

"Nasa islang ito si Alexul Laurel. Yeah! malamang na pati ako ay mapagkamalan niyang ako si Laurice kapag nakita ako for the first time." Bigla kong naalala ang kakambal ko.

"Kinalimutan ko nang may kakambal ako." 

Nagtagis ang mga bagang ko galit at bitterness ang nararamdaman ko para dito. Ano ang kasalanan ko rito para kalimutan ako nito? na brainwash ito ng husto ng mga tiyahin namin at pati si daddy na brainwash din. Masakit isiping hindi na ako nag e-exist para kay Laurice at Daddy.

"Pero siguro naman kahit papano ay nababanggit niya kay Alexus na may kakambal siya no?" pangungumbinsi ko sa sarili ko at nangingiti ako sa eksenang naglaro sa isipan ko.

"Hindi ako magugulat kung mapagkakamalan ako ni Alexus kapag nakita niya ako mabuti na lang at magkaiba kami ng hairdo ni Laurice". 

Shaggy na medyo mahaba ang buhok ni Laurice samantalang ako ay mas maigsi at apple cut parang sa mga korean hairdo. Bagay sa mga busy ladies na kagaya ko dahil mas madaling i-manage at mas matipid sa shampoo at conditioner.

Bewitching Stranger (Completed)Where stories live. Discover now