Chapter 16

12.6K 211 40
                                    

IT'S BEEN A LONG TIME.. So here we go.. Nagbabalik na si JL sa wattpad.. Thank you sa paghihintay..

Short Update, I know.. So bear with me T_T

____________________

CHAPTER 16

“Junoella, tama na yan oh. Kanina ka pa diyan. Ni hindi ka na nga pumapasok sa mga klase natin.” awat ni Areen sakanya.

“Wala kang pakialam. Iwan mo ko.” sigaw niya.

Kahit na pagod na pagod na siya pinipilit niya pa ring magpractice ng baseball, ng siya lang mag-isa ang nasa field.

“Ganyan ka na ba talaga? Ha? Ilang linggo ng hindi umuuwi si Rance. Umaasa ka pa rin talaga na magbabago siya. Ang cassanova ay cassanova pa din, pagbaliktarin mo man ang mundo. Yun at yun na siya.” inis na sigaw ni Areen atsaka siya nagwalk out.

Nadismaya si Areen sa inaasta ng kaibigan nito ngayon. Pinapatay lang naman kasi niya ang sarili niya sa kakaasa na lahat ng pinakita ni Rance sakanya ay totoo. Na nagbabago na siya at natutunan na din siyang mahalin ni Rance. Pero hanggang kailan?

Nanlumo siya sa isiping yun. Naibagsak niya ang hawak niyang baseball bat at naupo siya sa damuhan. Niyakap niya ang kanyang tuhod at tahimik na umiiyak.

“Miss, panyo.”

Hindi niya pinansin yung nag-aabot ng panyo sakanya.

“Would you please, leave me alone.” sabi niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Umuupo ang lalaking nag-abot ng panyo sa tabi niya. “Alam mo, wala kang mapapala sa kakaiyak diyan. Mabuti pang magdate tayo Ella.”

Napaangat ang kanyang ulo sa sinabi ng lalaki. Magdedate sila? At sino ang mapangahas na lalaking mag-aalok sakanya ng date?

“You?” nakakuno’t noong tanong niya.

“Yes! No other than.” saka ito ngumiti ng pagkatamis-tamis. “Let’s go.” tumayo ito atsaka iniabot ang kanyang kamay kay Junoella. “Just this time. Forget all the pain in your heart. Be happy.” ngumiti na naman siya na para bang sinasabing gawin mo.

Nakakuno’t pa rin ang kanyang noo habang nakatingin sa kamay ng lalaki. Aabutin niya ba ito o hahayaan niya na lang?

Sabi nga nito, “Just this time.” and she thinks, this is the right time.

“Okay, just this time.” at sabay niyang inabot ang mga kamay niya at isang tunay na ngiti ang ipininta niya sakanyang mga labi.

“Good.”

HINDI maintindihan ni Rance ang kanyang nararamdaman. Ngayon pa at tuluyan ng bumalik si Junairene. Gulong-gulo na siya. Wala siyang mukhang maihaharap sa kanyang asawa dahil sa pangalawang, ay hindi, sa ilang beses niyang pagtataksil dito. Kaya pa nga ba niyang tignan ang kanyang asawa sa mata.

Napatingin siya sakanyang katabi. Mahal niya ito pero mahal niya rin ang kanyang asawa. Alin ba sakanilang dalawa?

Humigpit ang pagkakayakap ng babae kay Rance at lalong isiniksik ang mukha nito sa kanyang dibdib. Napabunting hininga na lamang siya. Kailangan na niyang mamili kung sino sakanilang dalawa. Hindi na ito maaari, ang mamangka sa dalawang ilog.

..to be continued

So sorry po kung after a decade ko na 'to nasundan ng chapter.. I admit napabayaan ko na 'to, ni hindi ko na nga nadadalaw ang site ng wattpad.. at nangako din po ako pero hindi nangyari kasi naging busy ako nung month ng birthday ko kasi final exam and end of semester.. PERO ngayon, nagbabalik na po ako.. and gagawin ko lahat ng makakaya ko, makapag-UD ako every week.. para matapos na siya.. at sana hindi na kami maputulan ng connection.. hehe.. IMISSYOU FRIENDS.. ILOVEYOU..

Thank you for reading..

VOTE. COMMENT. Be my friend.

If you think the story and I deserve for that.

GodBless!!

xoxo

<3 JL

The WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon