Chapter twenty nine.

72.8K 1.1K 44
                                    

Chapter twenty nine.

It's been one week simula ng bumisita kami sa bahay namin. And it's been 3 days ng lumipat kami sa bagong bahay na nabili niya..hindi nalang ako nag reklamo dahil bandang huli sa padin naman ang mananalo sa pagtatalomg magaganap.

Naging maayos naman ang pagsasama namin...dahil sa kadahilanan na simula nung gabing pag-uusap namin...ako na mismo ang umiwas sakanya, bakit? Simple lang...ako kasi mismo sa sarili ko walang tiwala kapag napapalapit sakanya..kaya maganda mas maaga eh..iwasan ko nalang siya. Para din naman 'to sa sarili ko.

Buong linggo kong sinubsob ang sarili ko sa trabaho...ganun din naman si Franco, masyado din siyang naging busy sa trabaho niya. Hindi naman na hassle sa amin ang pagaalaga kay Kielle dahil nandito na si Manang Sally na nagbabantay sa anak namin at si Weng na isa pa naming kasama sa bahay, sila ang naiiwan kapag nasa kanya kanyang trabaho kami ni Franco.

Napalingon naman ako sa pinto ng kwarto ko ng makarinig ako ng katok.

"Pasok!" Eabi ko sa kung sino man yung taong kumakatok. At dahil linggo nanaman ngayon...lahat kami nanfito sa bahay...at ang pinka madaling naisip ko para maiwasan si Franco ay ang magkulong sa kwarto namin ni Kielle.

"Hija..tawag kana ni Franco..kumain kana daw ng tanghalian dahil hindi kapa daw nag-aalmusal." Sabi sa akin ni Manang Sally ng makapasok na siya...napabuntong hininga nalang ako.

"Manang, pwede po bang pasuyo nalang...dalhan niyo nalang po ako ng pagkain dito." Sabi ko sakanya. Ganito ako ka-determinado wag lang makita si Franco.

"Sige..ikaw ang bahala, iaakyat konalang yung pagkain mo." Sabi naman sa akin ni Manang.

"Salamat po." Sabi ko naman bago pa tuluyang makalabas ng kwarto ko si manang sa kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ulit ako saka binalik ang atensyon sa librong binabasa ko...hindi ko alam peto simula ng sinabi ni Franco sa akin yung mga sinabi niya nung gabing 'yun...natakot ako...natakot ako na baka nga bumalik ang lahat...tapos sa huli puso ko nanaman ang magkakaroon ng lamat.

Ayoko na kasing masaktan...nadala na ako.

Ano? Mag titiwala nanaman ako...tapos sa huli ako nanaman yung mabibigo.

Mniniwala nanaman ako sa mga sasabihin niya...tapos sa huli malalaman ko puro lang pala kasinungalingan yung mga lumabas sa bibig niya.

Napukaw naman ang atensyon ko ng bigla nalang bunaks ang pinto ng kwarto at niluwa nito ang kaisa isang taong...ayaw kong makita sa araw na'to.

"Anong arte 'to?! Bakit kailangan dito kapa kumain?!" Tanong niya..halata ang pagkainis sa boses niya. Iniwas ko naman ang tingin ko sakanya.

"Tinatapos ko kasi 'tong binabasa ko...saka tinatamad na akong bumaba." Sabi ko ng walang emosyon sakanya habang nakatuon sa librong binabasa ko.

"Tinatamad o sadyang iniiwasan mo lang ako?" Tanong niya ngmay diin. Napatulala naman ako..anong sasabihin ko? Na oo..iniiwasan ko siya? Pero..bakit ko naman sasabihin yun? Para saan? Para malaman niya na apektado ako?

"At bakit mo naman sinabing iniiwasan kita? Bakit ko naman gagawin yun?" Sinagot ko nalang ng isa pang tanong ang tanong niya...ang pinaka madaling paraan para maiwasan ang tanong niya.

"Bakit nga ba Jam? Bakit kaylangan mo akong iwasan? Bakit sa tingin mo ba hindi ko napapansin na parang pasong paso ko kapag nasa paligid ako? O ngayon...ikaw sumagot sa tanong mo..bakit nga ba?" Natahimik ako sa pangalawang tanong niya...walang lumabas na salita sa bigbig ko...I was caught off guard. Hindi ko alam king ano ang sasabihin ko.

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now