Chapter eighteen.

76.9K 1.2K 327
                                    

Chapter eighteen.

...2 years later

"Hello Cecile, napatawag ka?"

"Ahmm..kasi sir hindi kadaw po ma-contact ni sir Seb..tumawag po kasi siya, ngayon po kasi yung blessing ng bagong bahay nila. Inaasahan daw niya po kayo na pumunta doon.."

"Okay..anong oras bayun?"

"Mamaya pa pong 3 ng hapon.."

"Okay paki-text nalang yung address."

"Okay po sir.."

It's been 2 years...maayos naman ang takbo ng buhay ko, pero maayos man ang takbo nito ngayon...alam kong may kulang parin. Hindi parin ako kumpleto.

Hanggang ngayon..umaasa padin akong magkikita ulit kami at maayos ang lahat. Hanggang ngayon..naniniwala padin akong kapag nagkita kami at nakapag-usap..babalik ang lahat sa dati.

Today is sunday..ang araw na kung kelan wala pa akong ginagawa eh yung araw na napakaraming pinapaalalang bagay sa akin. Another boring sunday...masyadong tahimik..wala na kasi yung nag-iingay ee. Hindi pa bumabalik.

Bumangon nalang ako sa pagkakahiga ko at pumuntang kusina para makapagluto ng kakainin ko..tutal mamayang hapon pa naman ako pupunta sa bagong bahay nila Seb...mas mabuting magsimba nalang ako mag-isa ngayon, wala naman kasi sila mom para makisabay ako sakanila.

"Oh gising ka na pala, hintayin mo nalang 'tong niluto ko. Umupo ka muna diyan."

Napailing iling nalang ako ng narinig ko nanaman sa isip kong nagsalita si Jam..nagderederesto ako sa ref ko para maglabas ng lulutuin ko..2 years na ang nakalipas iba parin ang epekto sakin kapag naaalala ko siya...mas nararamdman ko kasi ang pangungulila kaya mas gusto kong napaka dami kong kaylangan na asikasuhin dahil tuwing wala akong ginagawa bigla bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko.

Naglabas ako ng pwedeng kainin at nagsimula ng magluto..pagkatapos kong kumain, naligo na ako at nagayos papuntang simbahan. Nasanay na akong mag-simba mag-isa simula ng umalis siya..pero nasanay man ako..iba parin ang pakiramdam kapag kasama siya.

"Ang buhay natin..walang pause, walang fast forward at maslalong walang rewind.. Ikaw mismo ang gunagawa ng buhay mo..ikaw ang nagdedesisyon para sa sarili mo. Kaya kung nagkamali kaman ng desisyon at nagsisi..matuto kana sa pagkakamali mong iyon..para sa susunod alam mo na ang dapat mong gagawin. Alam mo ng pahalagahan ang bawat pagkakaton na mayroon ka sa bawat oras ng buhay mo...dahil isang beses lamang darating ang pagkakataon nayan..kaya ang buhay natin ay touched-move ang labanan..maswerte ka nalamang kapag nabigyan kapa ng 2nd chance."

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now