Chpater nine.

62.7K 1K 375
                                    

Chapter nine.

1st monthsary. Ang isa sa pinakahihintay kong araw sa buhay namin ni Franco, at bukas na ito manyayare mga kaibigan. Sobrang saya ko dahil kahit ganito..tumagal parin kami ng isang buwan ni Franco. Ako man ang nanligaw..okay lang, worth it naman lahat ng mga pinaghorapan ko ng halos isang taon diba? Nagbunga naman yung pagpapapansin ko sakanya. Kaya kaylangan kong maka-isip ng maganda pakulo para bukas. Kaylangan ma-surprise ko siya ng bongga! Ahmmm...ahh!! Alam ko na!!

Maghihubad nalang ako sa harap niya. Chos! Haha. Well, first time ko kasi makaranas ng ganito kaya naman gusto ko talagang maging memorable para sa aming dalawa.

"Hoy gaga, tulala ka nanaman diyan. Oh ayan pinabibigay ni madam, kaylangan daw yanirmahan ng mahal mo." Nasa rurok ako ng pagnanamnam ng mga magaganap sa 1st monthsary namin ni Franco ayy biglang may epal na sisingit dito sa likod ko na nagngangalang Michie Madrid.

"Okay ako na bahala. Pero wait! Tulungan mo naman ako, monthsary na namin ni Franco bukas..ano bang magandang gawin?" Tanong ko sakanya. Naku sana naman may magandang masabi ang babeng ito.

"Halayin mo." Tinatamad na sagot niya sakin sabay upo sa may lamesa ko.

"Ayy teh, naisip ko nayan. Iba naman, madalas ko ng gawin yan ee. Yung maso-surprise naman yung labidabs ko." Sabi ko sakanya. Naisip ko naman na kasi yung sinuggest niya sakin..sus yun paba makakalimutan ko? Ang halayin yung gwapo kong boypren? Parang hindi naman,nplano kong gawin yun after namin magcelebrate noh.

"Surprise ba kamo? Edi putulan mo ng kaligayahan." Tamad na sabi padin niya, nahampas ko nga ng wala sa oras.

"Gaga, sabi mo yung masusurprise..maganda yun. Oh edi kaya laslasin mo na yung leeg ng wala kanang iniintinding sakit na sa ulo sakit pa sa puso." Sabi pa ng mahadera kong bestfriend ganun ba kapag buntis napaka-sungit? Psh. Hindi naman sakit sa puso si Franco ee..actually he's the only reason why my heart's still beating.

"Che! Bumalik kana nga sa office table mo, wala akong mahihitang magandang gagawin sayo. Sha! Lumayas ka dito! Napaka KJ mo!" Sabi ko naman sakanya, nag make face lang siya bago lumayas sa harapan ko. Epal talaga ng babaeng yun..panira ng pangarap.

------

"Yeah..I'll call you back later.." Nandito ako sa loob ng opisina ngayon ni Franco, magpapaalam ako sakanyang uuwi ako ng maaga may naisip na kasi akong gagawin ko para sa monthsary namin..at excited na ako! Hihi.

"Yes? Ano yun?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa laptop niya, lumapit naman ako sakanya para sana kumandong sa lap niya kaso ayaw niya naman. Ang arte!

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon