Chapter twenty eight.

70.5K 1.1K 107
                                    

Chapter twenty eight. 

Buong maghapon akong badtrip. Buong maghapon akong nakakulong sa loob ng kwarto ko at nakaharap sa laptop ko...hindi ko pinapansin si Franco..una, dahil nakakahiya yung nangyare. Mygoodness! Sa lahat naman ng makakakita ng tagos ko eh si Franco pa! Pwede namang si Janna nalang. Ang tanga ko pa at hindi ko manlang naramdaman na meron na pala ako. Argh shet. Tanga. 

Naantala ang pagtatype ng mga expenses ng café ko ng bigla nalang bumukas yung pinto ko at walang pakundangang niluwa nito ang panget na kapatid ko. 

"HOY! ATE!" Papansin niya ng hindi ko manlang siya nakuhang pansinin nung pumasok siya. Ahh basta..badtrip padin ako. Masakit ang likod ko. Nararamdaman ko na ang nagbabadyang sakit sa puson ko..samahan mo pa na iritable ako. Kaya hindi ko siya pinansin. 

"Gaga ka talaga ate! Kaya naman pala patay na patay ka dati kay kuya Franco! Ang hot naman pala!" Sabi niya ng nangingisay sa gilid ko, err..kinikilig ba talaga siya?! Myghad! First time ko siyang nakitang kiligin..doon pa sa ulupong nayun. Tinignan ko naman siya ng nakataas ang isang kilay ko. 

"Oh? Bat ganyan ka makatingin? Pero imperness talaga ate. Ang gwapo talaga ng asawa mo! Grabe! Kanina akala ko kakainin na siya ni Papa at ni Kuya sa sobrang sama ng tingin tapos si Mama grabe sinigaw sigawan siya doon sa ginawa niya sayo dati! Bilib din ako huh..kasi kahit ganun nakapagpaliwanag siya." Kwento pa niya sakin..nakaramdam naman ako ng kaunting awa kay Franco ng malaman kong ibang klaseng pag-uusap pala ang naganap. Tinignan ko naman ng tila nagtatanong ang kapatid ko. 

"Eh kasi naman ikaw! Nagkaroon ka ng dramatic exit kanina! Di mo manlang sinamahan yung asawa mong makipagbakbakan kanila mama..grabe ate yung pagsusumbat na ginawa ni mama kay kuya Franco. Tas nung una ayaw pa ni Papa at ni Kuya tanggapin na kasal na nga daw kayo." Patuloy naman niya sa pagke-kwento..napatulala naman ako. Sabi niya sakin..okay na daw? Oh e bat parang iba naman yung kwento ni Janna.

"Sabi niya..okay naman na daw ah? Tapos ano pang nangyare?" Hindi ko na napigilan yung sarili na tanungin si Janna.  

"Uyy! Concerned! Haha! Oo nanga! Okay nanga! Kasi grabeng pakikiusap at pagpapaliwanag yung naganap." Sabi niya. Binalik ko nalang sa walang emosyon yung mukha ko..yung tipong..parang walang pakialam. 

"Anong concerned? Tama lang sakanya yun. Nagpapakwento lang ako syao noh." Sabi ko sabay balik ng atensyon ko sa laptop ko. 

"Sus 'te! Kilala na kita noh! Eh meron lang naman akong isang malaking tanong eh! So..bakit mo binalikan? Akala ko ba tapos na?" Tanong niya sakin..napatingin naman ako sakanya at nakita kong seryoso na ang mukha niya. 

"Oo nga..tapos na." Sabi ko sakanya ng walang emosyon sabay iwas ng tingin. Ayoko kasi ng paraan ng pagtitig niya..para bang sinasabing..wala akong matatago sakanya. 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now