Chapter twenty three.

78K 1.3K 249
                                    

Chapter twenty three.  

~Franco's Point of view~

Tuluyan ng nag-sara ang pintuan ng opisina niya. Hindi niya sinagot ang mga sinabi ko sakanya..napaupo naman ako sa sofa ng opisina niya habang nakatulala. Paulet ulet na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi niya.. 

"Mas maayos ang buhay namin ng wala ka!"


Pakiramdam ko naninikip yung dibdib ko ng bigla kong maalala ang mga salitang nagpadurog talaga ng puso ko...masakit isipin..na yung dating kulang nalang eh ipamukha sakin na ako lang mahalaga sa buhay niya at hindi niya kaya ng wala ako ay pinamumukha na sakin ngayong..isa akong walang kwentang tao. 

Yun ang naramdaman ko ng i-sumbat niya lahat sakin ang mga ginawa ko...pakiramdam ko..wala akong kwentang tao. 

Napatingin naman ako sa office table niya..nakita ko ang larawan ng mag-ina ko...mag-ina ko. Ang tanga tanga ko, sa loob pala ng dalawang taong paghihintay ko sakanya...may pamilya na pala akong nabuo. Pamilya ko sila...akin sila. 

Tumayo ako at kinuha ang picture frame na pinaglalagyan ng picture ng dalawang tao na importante sa buhay ko...buo ang desisyon ko, tutuparin ko ang mga sinabi ko sakanya. Kaylangan namin mag-pakasal..sa ayaw't sa gusto niya..kaylangan mabuo ang pamilya namin. 

---------

Isang buong linggo akong nagmasid sa labas ng  café ni Jam. Sa Isang linggong pagmasid ko sakanila ng anak ko nakaramdam ako ng pangungulila...gusto kong lumapit sakanila pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yun..nag-isip nalang ako ng pwede kong gawin mapapayag lang siya sa kagustuhan ko..at ang naisip ko lang ay..mapapapayag ko lang siya sa tulong ng anak ko. 

Mukhang sumasang-ayon naman sakin ang tadhana dahil nakita kong sumabay sa paglabas ng isang customer ang anak ko ng hindi nahahalata ng guard. Ano bang klaseng guard 'to? Walang kwenta..hindi manlang tinitignan kung nakalabas naba yung bata. Lumapit ito sasasakyan ko at mukhang balak nanaman sipain ang mga gulong ko..binuksan ko naman ang pinto ko para makalapit sakanya. 

"Hi baby..you want some toys?" Tanong ko sakanya kahit alam kong hindi niya ako kayang sagutin ng maayos. Pinakita ko sakanya ang isang kotseng laruan na binili ko..halos matunaw ang puso ko ng makita ko ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Kaya pala una palang magaan na yung pakiramdam ko sakanya...dahil anak ko siya..dugo ko ang dumadaloy sakanya. 

Kinarga ko ang anak ko at pinasok sa sasakyan ko..eto ang paraan na gagawin ko..hindi kasi ako magaling sa suyuan.. mas magaling lang ako sa santong paspasan. 

"Hello Mr. Mercado..napadala mo naba sa unit ko yung mga sinabi ko sayo?" Tanong ko sa abogado ko pagkasagot palang niya ng tawag ko..tinignan ko naman sa passenger seat ang anak ko..nakita kong ngiting ngiti naman ito habang naglalaro..napangiti nadin ako ng masisip ko na malapit na kaming mabuo. 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now