Chapter twenty six.

75.2K 1.3K 246
                                    

Chapter twenty six.

Napabuntong hininga nalang ako bago pa tuluyang bumangon sa pagkakahiga ko. Yeah...hindi padin pala kami nakaka-alis ng anak ko sa poder ni Franco. Hindi ba pwedeng panaginip nalang lahat 'to? Gusto ko ng bumalik sa normal ang lahat. Nagising ako ng wala sa tabi ko yung dalawa...alam kong dito din sa kama na'to natulog si Franco dahil naramdaman ko siyang tumabi kagabi. Hinayaan ko nalang dahil nawalan na ako ng lakas dahil sa sagutan namin kagabi.

Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Bago pa man ako makalabas ng tuluyan ng kwarto ni Franco...rinig na rinig ko na ang pagkukulitan ng dalawa. Hindi ko alam pero...napangiti din ako ng marinig kong humahikhik ang anak ko.

Nang tuluyan na akong makalabas..nakita ko silang nakaupo sa lapag ng sala at nakapilibot ang napakadaming laruan. Napansin siguro ni Franco yung presensya ko kaya naman napalingon siya sa akin. Tinignan niya naman ako ng walang emosyon.

"Nandun na sa kusina yung breakfast mo." Sabi lang niya bago pa man niya itinuon ang pansin kay Kielle.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta sa dining area. Hindi ko alam pero napangiti ako ng makita ko ang mga pagkaing hinanda niya...kahit papano namiss ko din ang kumain ng mga luto niya..napailing nalang ako sa mga iniisip ko at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kong kumain naisip ko na yung gatas at dede nga pala ni Kielle nasa sasakyan ko sa baba....naisip ko naman na ilang araw ng tengga yung kotse ko. Gusto ko man umalis but unfortunately...hindi pwede. Derederetso lang ako sa paglalakad hanggang maka rating sa tapat ng pinto ng unit ni Franco para makalabas..pero palabas na ako ng may humawak ng mahigpit sa mga braso ko. Paglingon ko nakita ko ang balisang mukha ni Franco...napakunot naman ang nuo ko.

"What?!" Tanong ko ng pabalang sakanya. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin na parang takot na takot akong bitawan...I just rolled my eyes. Seriously. Akala niya tatakasan ko siya?

"Kukunin ko lang yung dede ni Kielle sa kotse ko." Sabi ko saabay bawi ng braso ko sa mga kamay niya.

"Samahan kana namin." Sabi niya. Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala sa inaakto ng lalaking 'to.

"No need. Hindi naman kasi ako aalis." Sabi ko sabay deretsong labas ng unit niya. Argh! Nakakairita.

Nagulat nalang ako ng pagkapasok ko sa loob ng elevator, sumakay din yung lalaking humarang sakin dati sa tapat ng pinto ni Franco. What the fuck. Talagang pinasundan pa niya ako?! Hell. Inirapan ko nalang yung lalaking naka itim. Mukha siyang kapre! Magsama sila ng amo niyang baliw! Hmp.

Pagkarating ko sa tapat ng kotse ko ay kinuha ko ng lahat ng gamit namin ni Kielle na parating nandoon for emergency purposes. Kinuha ko ang isang bag doon na pinaglalagyan ng gamit namin mag-ina.

"Ma'am ako na po." Sabi nng llaki at aaktong kukunin yung bag sakin. Psh. Epal.

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now