Chapter twenty four.

78.1K 1.2K 118
                                    

Chapter twenty four. 

~Jam's Point of view~ 

Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko..unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Una kong nakita ang anak ko sa tabi ko na gising at may kinakain na saging. Napakunot naman ang nuo ko..hindi dapat saging..dapat gatas ang iniinom niya ngayong umaga. 

Inikot ko naman ang mga mata ko sa palaigid. Napatulala naman ako ng makita kong naka-upo sa gilid ng kama si Franco habang nakatitig sa amin. Napatitig ako pero ako na agad ang nagbawi ng tingin. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ng magtama yung mga mata namin. Unti-unti akong bumangon. 


"Naghanda na ako ng breakfast. Do you want me to bring it here?" Tanong naman niya sakin. 


"No. Hindi naman ako nagugutom." I answered him coldly. I mentally noted myself that I should keep my distance to him..kasi the more na napapalapit ulet ako sakanya the more na natatakot akong...bumalik lahat. Ayoko ng masaktan. Tapos na ako doon..2 years ago. 


"Okay..nandito lang ako sa labas kung may kaylangan kayo." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi niya..nag-ayos ako ng sarili. Buti nalang parati akong may-baong damit at emergency kit. Pupuntahan ko na din si Kielle para linisan at palitan din ng damit..parati din kasi siyang may baon na damit sa loob ng kotse ko...nagmadali ako dahil ang gusto ko lang mangyare ngayon ay makalabas sa bahay na'to kasama ang anak ko. 

Lumabas ako ng karga-karga ko si Kielle. Naabutan kong nakaharap sa laptop niya si Franco at kaharap ang isang katerbang mga papeles sa harap niya. Papeles...naalala ko nanaman ang mga nangyare sa amin kagabi...sinabihan nanaman niya ako ng salitang...'mahal kita.' ang mga salitang...hindi ko na kayang paniwalaan pa..maslalo na kung nanggaling sakanya. 

Napatingin siya sa dereksyon ko. "May kaylangan ka?" He asked. 

"Oo..kaylangan na naming umuwi ni Kielle." Sabi ko sakanya. 

"No. Hindi ka uuwi. Kung gusto mo..pirmahan mo muna yung marriage contract na sinasabi ko sayo." Sabi nanaman niya sakin. Lecheng marraige contract nayan.. ano bang tingin niya sakin? Na pagkatapos niyang gaguhin..ganun ganun nalang? Babalik nalang sakanya agad agad?

"Hindi ako tanga Franco para patulan yang mga kahibangan mo. Kaylagan kong umuwi. Kaylangan kong pumunta ng shop ko." Sabi ko sakanya sabay talikod papunta ng pinto. 

"Okay then..wait for me. Sasama ako sainyo." Bigla naman akong napaharap sakanya ng sabihin niya yun. Whatthefuck. Seriously? Hindi ko na nakuhang umangal sakanya dahil tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng kwarto niya. Omayghad. Fuck my life. 

Hindi ko siya hinintay at lumabas nalang ako ng Unit niya. Kaso nagulat ako na paglabas ko palang may humarang na sa amin ng anak ko na mga lalaking naka-itim. Seriously? Ano 'to?

"Ma'am..baka pwede pong pumasok nalang kayo ulet sa loob. Bawal po kayong lumabas." Sabi pa sa akin ng isa sa kanila. 

"Seriously? Ano kami dito ng anak ko? Preso? Bilanggo?" Tanong ko doon sa lalaki. Naiinis na ako sa ginagawa ni Franco samin. Seryoso.

"Pasensya na ma'am. Napag-utusan lang." Sabi niya pa sakin habang hinaharangan ako. Ghad! Ano bang nagyayare sa buhay ko? Can someone please explain to me..what is happening? the last time I check..maayos ang buhay namin ng anak ko...until some jerk entered the picture again. 

"Can't we just have our freedom back?!" I hissed. Wala silang karapatan na gawin samin ng anak ko 'to! 

"Nope. Not until you marry me." Sabi ng boses sa likod ko. At sino panga ba yung magiging tao sa likod ko?! Shet. Leche talagang buhay 'to oh. 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now