Chapter sixteen.

74.7K 1.2K 110
                                    

Chapter sixteen.

Maaga akong nagising at nakita ko pang nakahiga sa tabi ko si Almira..bumangon agad ako para makapaghanda sa pag-alis ko papuntang cebu, madami akong aasikasuhin doon..ayoko man magtagal sa lugar nayun kailangan ko naman.

Nang makapag-ayos ako, lumabas ako ng kwarto ko at hinanda ang mga dadalhin ko..kasalukuyan kong tinatawagan si Cecile para sa mga dapat niyang dalhin at asikasuhin..pero I'll do everything para makauwi kami mamayang hapon..ayokong mag stay sa isang hotel.

"Hello sir?"

"Hello Cecile, nakaready naba yung private plane? Papunta na ako diyan."

"Yes sir.."

"Good. Yung mga papers na pinahanda ko sayo, okay naba?"

 

"Opo sir."

"Okay..papunta na ako diyan, bye."

Nagmamadali akong lumabas ng unit ko at sumakay sa elevator..nang makarating ako sa parking lot agad agad akong dumeretsyo sa sasakyan ko..bago pa naman ako makapasok ay mayroon nalamang biglang sumigaw...

"Jam!" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko..hindi ko alam ang gagawin ko lilingunin ko ba o magkikibitbalikat akong wala akong narinig..dahil alam ko sa sarili ko na kapag lumingon ako at hindi ang babaeng gusto kong makita ang nakita ko..alam kong manlulumo lang ako...

Kaso may sariling isip ata ang katawan ko at bigla nalamang lumingon sa likuran para tignan kung sino ang tinawag ng babeng sumiga...at tama nga ang hinala ko..nanlumo lang ako ng makita kong hindi siya..ang 'Jam' na gusto kong makita.

"Bruha! Malelate na tayo ee."
"Masyado ka kasing nagmamadale Jazz ee."

Humarap nalang ako ulet sa aking sasakyan..ngunit pinaglalaruan naman ata ako ng tadhana ng makita kong katabi pala nitong nakapark ang sasakyang pinahiram ko kay Jam..hindi ko pa pala 'to napapabalik sa mansyon..hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit bigla nalang akong napatitig sa sasakyang iyon..

"Oh..yan na yung susi ng sasakyang gagamitin mo."
"Wow! Talaga?! Eeee! Ang galing naman di na ako makikipagsiksikan sa MRT!"
"Hindi mo naman kasi kaylangan makipagsisikan dun."
"Weee..ang sweet naman ng Francobabyy ko! Kaya love na love kita ee."
"Psh..i-test drive mo nangalang 'to."

Umiling iling nalang ako bago tuluyang pumasok sa saksakyan ko..hindi ako alam kung ano ba talagang nangyayare sa sarili ko..the last time I check..hindi dapat ganito ang nararamdaman ko kasi hindi ko naman siya mahal..wala lang siya..she's just my rebound. She's just nothing..so bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon