52. Responsibility

3.6K 71 5
                                    


A L E X


"you look better compared before! Iba talaga pag inlove" hinampas ko ng mahina ang braso niya.

"baliw ka talaga!"


"Sabi ko naman sayo patay na patay yung mokong na yun sayo eh!" dagdag pa niya.

Patay malisya lang akong ngumiti.


"sayang naman, ang bilis niyang bumigay! Ang dami ko pa namang planong gawin para inisin yun!"


"Hay nako Kent puro ka kalokohan!" Kahit kelan talaga 'to. Pero thanks to him, kahit papano hindi ako masyadong na-down nung mga panahong pinagtitripan ako ni Javier at ng mga barkada niya.


Small world nga naman no? Napag-usapan namin ni Javier na magkita dito but to my surprise, this restaurant is one of the businesses owned and managed by Kent pala. And so, nagkataong nandito siya ngayon at katatapos lang ng meeting niya with some investors nang mapansin niya akong nakupo rito kaya lumapit siya.


"oh shoot. he's here" gulat niyang sabi habang nakatingin sa pintuan. SInundan ko ng tingin ang tinitingnan niya and there I saw Javier's frowning  look

.


Ang bilis niyang naglakad palapit samin habang salubong ang kilay na nakatitig kay Kent.



Tumayo agad si Kent at nilahad ang kamay.



"Kent pare, remember me??" he said. Nakatitig lang sakaniya si Javier.



"oo naman pare, pano ko ba naman makakalimutan yung mukha ng gagong umaaligid sa girlfriend ko!" seryosong sabi niya. Siniko ko nga, ang seryoso eh!


Kung marunong sila mantrip ng mga gunggong na barkada niya, aba, siyempre kaya ko rin no!

Pero hindi ko parin sinasabi sakaniya yung totoong plano namin ni Kent noon,

Hayaan mo siyang magselos for the rest of his life. Parusa nya yun for making a fool out of me!


Umupo siya sa tabi ko at umakbay agad sakin na para bang sinasabing 'akin-lang'to' Natatawa nalang ako sa loob loob ko.


"bakit magkasama kayo??" he asked.


"may pinag-uusapan lang kami" sagot ko. Tiningnan niya ako ng masama.

I pinched his nose. Ang cute naman magselos neto


"sige Alex, aalis nako." he said.


Tatayo pa sana ako para yumakap sakaniya nang bigla akong hilain pabalik sa pagkakaupo ng katabi ko.


"pare, kung alam mong hawak na ng iba, matuto kang dumistansya!" muling sabi niya. Hinampas ko siya sa braso.

The CEO's SonWhere stories live. Discover now