45. The plan

3.2K 61 14
                                    


S A N D R O


"bat ganyan itsura mo??"


Buwisit na buwisit niyang tinadyakan yung pintuan. Halos masira yon.


He's covered with putik.




"nakita mo ba yung open manhole sa labas??"

"oo bakit?"

"Pwes ako hindi!!!!"



"kingina bro ang baho mo pumunta ka sa taas maligo ka! Pucha ang baho!!"

Napuno na ng amoy ng putik yung buong bahay.



Puro putik pa yung dinaaanan niya paakyat ng hagdan. Kingina! Ambobo nanaman nun!



Parang nawala pa tuloy sa isip ko yung sasabihin ko sakanya!



I'm running out of time, nauubusan na ako ng chances. Hindi ako papayag na matuloy yung kasal ni Czarina sa Julio na yun! Mas matangkad lang yun sakin pero di hamak na mas gwapo ako dun! I'm down to my last drastic move!



Isa pa, alam ko namang ako ang mahal ni Czarina, napipilitan lang yun dahil sa parents niya.



Nakita ko naman kung gaano kasungit yung mommy niya nong nameet ko siya.




Villafuerte. Huh! Yun pala yung binabanggit ng mommy niya noong gabi na hinatid ko si Czarina matapos niyang malasing.


Pero kingina parin talaga ni Javier! Ang baho ng bahay ko!!!




"nako anong nangyari ditoo!!!" gulat na sumulpot si Yaya Ising sa likuran ko.


"ya, pakilinis nalang 'to!" utos ko saka kumuha ng maainom at umakyat nako ng kwarto para sundan ang hari ng kabobohan!


Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung daan niyang punong puno ng putik!


Tarantado talaga!



Sumalampak ako sa couch habang hinihintay siyang lumabas ng CR.


Magkakalahating oras na hindi parin siya lumalabas.


The CEO's SonWhere stories live. Discover now