26. Double Trouble

4.5K 95 21
                                    



G R A C I E

Alex and I decided to be in-charge of the barbecues

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alex and I decided to be in-charge of the barbecues. Mukhang naguguilty ata kasi 'tong isang 'to sa mga ka-engengang pinaggagagawa niya kanina kaya nagprisinta siyang siya nalang ang magluluto ng bbq. Pero dahil alam kong likas ang kaeng-engan sakaniya pagdating sa pagluluto, minabuti kong samahan na siya sa paghahanda.

Ayoko naman kumain ng uling na nakatusok sa bbq stick no!


Nasa labas kami ngayon ng bahay ni Mon.


Mula sa di kalayuan, natatanaw parin namin sila.


"pustahan tayo may tama na si Czarina!" bigla siyang nagsalita habang binabaliktad niya ang mga barbecues na nasa grill.


Napalingon tuloy ako sa kinaroroonan nila.


Mukha nga.


Kilala ko si Czarina, alam kong malakas ang alcohol tolerance niya pero hindi ko maipagkakailang nakarami talaga siya ngayon.



***


"Alam mo ba noong unang panahon, yung mga alien, nakatira sila sa isaaaaaaaang malaking capsule"

Napa-iling nalang kaming dalawa ni Alex nang madatnan namin siyang nagkkwento tungkol sa aliens.

Kilala na namin si Czarina, once she started talking about aliens, sigurado, 99.87% may tama na yan!



"ang mga aliens.... malilit yang mga yan!!!!!" pagpapatuloy niya.



"what is she talking about??" bulong sakin ni Ramon pagkaupo ko.

"sakyan nyo nalang. lasing na yan!" I whispered.



"...parang....." inilibot niya pa ang tingin at nang makita si Sandro, "....ikaw!!! Isa kang alien!!!" wala sa sarili niyang sabi while pointing at Sandro na walang kamalay malay kung anong pinagsasasabi ni Czarina.


"what the hell Czarina umupo ka nga!!!" sabi ni Alex saka hinila ang laylayan ng damit nito para bumalik sa pagkakaupo. Nakakahiya 'tong isang 'to!

The CEO's SonWhere stories live. Discover now