3: Blind Date

10.9K 200 60
                                    




G R A C E



Buong byahe hindi ko maalis alis sa isip ko yung text na natanggap ko. Now I'm torn between turning down the offer and pursuing my dreams to work in that hotel.

1st year college palang ako pangarap ko nang makapasok sa hotel na yun, bukod sa isa siya sa pinakamalaking hotel sa lugar namin, balita ko malaki ang sweldo don. Pero kung isang mahanging lalaki din lang naman ang magiging boss ko, wag nalang no!


Naiirita na ako sa sobrang dami ng laman ng utak ko, sinasabayan pa ng pagka-inis ko sa mga mahaharot na katabi ko!!!

Siniko ko nga! Harot eh!


Inirapan lang niya ako saka umusod ng kaunti. Pabor sakin yun!


Wala naman akong issue kahit kanina pa silang naglalaplapan dito sa loob ng van eh, ang ayoko lang, kanina pa nila ako nasasagi dahil sa paghaharutan nila. Halos kalahati na nga lang ng pwet ko ang nakaupo sa upuan dahil sinakop na nila yung buong espasyo ng sasakyan. Kanina pa sila nagkikilitian. Pag-untugin ko kayong dalawa sa lungs makita niyo! Azaaar!

.


Palibhasa sa grupo namin ako nalang ang walang boyfriend. well, hindi naman ako naghahanap that's why. Perwisyo lang yan sa buhay.


Besides, diko pa nakikita si Mr. Right. Feeling ko tuloy sinusulat pa ng Diyos ang love story ko  ang kaso, naubusan siya ng ink, kaya ayun, natengga!


Tahimik kong isa isang pinagmasdan ang mga kasama ko dito sa loob ng van.


Lahat sila may kapartner, ako lang ang wala. Aaminin ko minsan naiinggit ako. Minsan napapaisip ako, bakit ang swerte nila? I mean, look at them, may stable job na silang lahat, may matinong lovelife. Nung nagsabog ata ng kamalasan nalimutan kong magdala ng payong kaya nasalo ko lahat!

Mapa-trabaho, lovelife. Ang malas ko. Pero hindi naman ako ganito noong nag-aaral ako no! 


Matataas grades ko noong nag-aaral pa ako. Kaya nga hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko ngayon.


"we're here na guys!" masayang sabi ni Andrea pagabukas palang niya ng pinto ng van.


Bakit kaya? Wala talaga ako sa mood mag-party ngayon. Ayoko rin naman kasing matawag na killed joy kaya kahit hindi bukal sa loob ko, sumama nalang ako.


Nasa resort kami ngayon na pagmamay-ari ng pamilya ni Andrea. Walang katao-tao, pusta ko pinasara nanaman niya 'to para dito sa party nya.


Ano bang occation ngayon? Sa pagkaka-alam ko wala namang important occasion ngayon.


Anyway, papalakad palang kami, sinalubong na kami ni Simon. Siya yung long-time boyfriend ni Andrea. Ewan ko ba, classmate at barkada ko na si Andrea since 2nd year High School. Kilala yan bilang playgirl, pero eversince naging sila ni Simon, ang dating playgirl, under na ngayon!

The CEO's SonWhere stories live. Discover now