5: What's this feeling?

8.7K 172 36
                                    



G R A C E


"Gracey ano ba kanina ka pa umiinom!" pagsasaway sakin ni Andrea. I may be a bit tipsy pero alam ko pa ang ginagawa ko. 


"...akin na yan nakarami ka na!" ma-awtoridad nyang sabi sabay agaw ng hawak kong baso. Kinuha ko yung bote ng alak pero inagaw niya ulit ito. "...lasing ka na!" 


"I'm not ano ba, give that back to me!"


"NO!" 


Hindi ko maintindihan kung bat ako nagkakaganito. Ngayon ko lang talaga 'to naramdaman. Mas lalo pang tumindi ito nang matapos kaming mag-usap kanina ni Havi.

Mas lalo ko naramdamang malas akong tao.



*Flashback*

"want me to tell you a secret??" seryosong sabi nito. Nasa seashore kami ngayon. Medyo nawalan kasi ako ng gana kaya pumunta ako dito at hindi ko namalayang sinusundan pala niya ako. Baka daw kasi biglang mag brown out at matakot akong mag-isa. O diba? Ang thoughtful?


"anong secret?" hindi naman sa chismosa ako no? syempre nag-offer siya, tatanggi pa ba ako?

Maya maya lumapit siya sa akin. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa tenga ko sabay bulong

"six pesos nalang yung Joy dishwashing liquid" 


Binatukan ko nga! Tarantado eh!


"ano ba yan! Akala ko naman seryoso!!!!" inis kong sigaw matapos ko siyang batukan.


"eto naman joke lang, eto talaga totoo na to, nakita mo ba si Irene kanina?"


"sinong Irene?" curous kong natanong.


"yung babaeng kinantahan ni Ramon kanina." 


Bigla ko nanamang naalala yung nangyari kanina.


"...ohh bakit siya??" wala so mood kong sabi habang pinaglalaruan yung buhangin.


"3 years na siyang nililigawan ni Ramon" halos ma-freeze ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi ni Havi. 3 years? Ganon na katagal??


"ang tyaga naman ni Ramon?" 


"mahal niya eh" seryosong sagot nito sabay inom ng hawak nyang beer na nakalagay sa can. 


"hindi mo ba ako bibigyan nyang iniinom mo?" wala sa sarili kong nasabi. Selfish eh, magisang umi---


"here!" bigla siyang naglabas ng isa pa mula sa bulsa niya.

"thanks!" I said at bago niya ito tuluyang i-abot saakin, binuksan muna niya ito. Napaka gentleman talaga niya.

The CEO's SonWhere stories live. Discover now