21. Confessions

5.9K 144 41
                                    




RAMON

Nagising ako nang makaramdam ng kirot sa kamay ko only to find out may nakasaksak palang desxtrose sakin at doon ko lang narealize na nasa hospital pala ako.

Wala akong maalala sa mga nangyari.

Basta ang huling naaalala ko, uminom ako ng uminom hanggang sa wala na akong maalala.

Pero sa pagkakatanda ko, nanaginip ako.

Nakita ko si Gracie sa panaginip ko.

Pero hindi ko maalala yung detalye.

Tatayo nasana ako nang mapansin ko ang isang babaeng nakaupo sa tabi ko. Nakapatong ang ulo niya sa kama ko. Hinawi ko ang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya at laking gulat ko nang makitang si Gracie pala iyon.

So it wasn't a dream after all?

Anong ginagawa niya dito?

At pano niya nalamang nandito ako?

At anong ginagawa ko dito!?

Maya maya, naramdaman kong gumalaw siya kaya bumalik ako sa pagkakahiga at nagkunwaring wala paring malay.

I felt her moving.

Maya maya, bigla kong naramdaman ang paglagay niya ng kumot saakin.

Ibinuka ko ng konti ang mata ko ang I saw her yawning.

Kawawa naman 'tong isang 'to. Napuyat nanaman nang dahil saakin.

Maya maya, umupo siya ulit sa tabi ko. I can see her worried face as she was staring at me.

Hindi ko mapigilang matuwa habang nakikita ang pag-aalala niya.

She held my hand and put it near her face.

"ano ba kasing nangyari sayo Ramon? Bakit ka ba nagkasakit?"

Kinakausap niya ako?

"Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan" pagpapatuloy niya. Gusto ko na sanang imulat ang mga mata ko but I suddenly got curious of what she has to say kaya itinuloy ko nalang ang pagkukunwari ko.

"...gumising ka na. hmm??"

Why do I find her cute habang kinakausap ako?

"kahit sungitan mo ako araw araw, oras oras, kahit pasamain mo yung loob ko minu-minuto, mas gusto ko yun kesa nakikita kang ganyan"

Bigla akong na-guilty sa narinig ko.

Ganun ko na ba talaga siya nasasaktan ng husto?

And now I feel so guilty habang nakikita ko kung gaano siya ka-concern saakin when all I did was to hurt her feelings.

I felt the urge to hug her.

Pero diko magawa dahil nauunahan ako ng hiya.

"...please get well soon Ramon." Patuloy parin siya.

"I love you"

Halos tumigil ang ikot ng mundo ko nang marinig ang sinabi niyang iyon.

Sinabi ba niyang mahal niya ako?

"...kaya please gumising ka na."

Maya maya, naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko. Kaya mabilis kong hinuli ang kamay niya.

She looked at me with great shock.

"don't leave me" and the next thing I know, hinila ko siya palapit sakin dahil para masubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

The CEO's SonWhere stories live. Discover now