16. Truth or Dare

6K 152 39
                                    

A L E X


"I think Ramon likes Gracie"


Saglit akong napalingon kay Ramon.

Parang hindi naman.
Para ngang wala paki 'tong 'sang 'to sa kaibigan ko.


At tingnan mo nga naman, ngayon ko lang napansin, anong trip ng babaeng 'to?

Akala ko masyado na kaming showy sa mga outfit namin pero kinabog kami ng isang to.

Nag panty at bra sa harap ng mga tao. Ang sarap pektusan sa ribs!

Lumingon din si Havi sa direksyon nila at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"sige titig pa!" sita ko sakaniya.

"grabe siya oh! napatingin lang" paliwanag niya saka tumingin ulit sa dagat.

"sexy no?"

"sakto lang" painosenteng sagot niya kahit na alam ko namang kating kati na siyang lumingon ulit para titigan tong naglalakad na panty't bra! Alam ko galawan ng mga lalaking to nako nako!

"sige, lingon lang. feel free" pang-iinis ko.

"hindi. Ganda ng waves ohh"

"ANONG SABI MO!??"

"yung waves, yung alon ng dagat sabi ko ang ganda!"

Tae, akala ko yung waves ng katawan niya ang tinutukoy. Babatukan ko na sana eh!

"diba sabi mo may gusto si Ramon kay Gracie?" bumalik ang pagkaseryoso ko nang mahagip ng paningin ko ang nakabusangot na mukha ni Gracie habang binabalatan ng buhay si Ramon at yung babaeng 2-piece. But I can see she's with someone.

She's with a guy. an unfamiliar guy.

"feeling ko lang"
 Havi saka tiningnan si Ramon at babaeng 2-piece.

"sino ba yan?" tanong ko nang makitang kinumutan ni Ramon ang likuran nito gamit ang isang malaking towel at inakbayan ito.

"that's Irene."

"girlfriend?" curious kong tanong.

"dream girl" ako yung biglang nasaktan para kay Gracie nang marinig ko ang sagot ni Havi.

"pero sabi mo gusto niya si Gracie?"

"not sure. theory ko lang"

"pano mo nasabi?" curious kong tanong nang bigla niyang ibaling ang tingin saakin. Napa-atras ako nang makita ang maningning niyang mga mata.

"bakit ba sila ang pinag-uusapan natin Alex?"

"h-ha?? ewan." Bakit ako nauutal!

Gising Alex huy! You're acting weird!

***



G R A C E

"Confirmed! May gusto ka nga kay Kuya Ramon!" 



Nabalik ako sa sarili ko nang marinig na magsalita si Paolo.



The CEO's SonWhere stories live. Discover now