18. Love over Friendship

5.7K 123 9
                                    


G R A C E

"Andrea hanggang kelan mo ba ako hindi papansinin?"

For Pete's sake, bakit ba saakin nagba-backlash lahat ng kagaguhang pinaggagagawa ni Ramon?

Andrea's been ignoring me mula pa kanina.

She's mad. I'm sure of that.


Sakanilang apat, sakaniya ako pinaka-close so it's normal for her to get mad at me for not telling her about the it.



But I am in no position to tell her, alam ko namang pag sinabi ko sakanila yung nangyari, they'll freak out. Iisipin nilang may namamagitan saamin ni Ramon, and it will only worsen the situation kasi wala naman talaga!


"Sorry okay? Sorry, I didn't mean to hide it from you guys"

Ang talim ng tingin saakin nina Czarina and Diane while Andrea didn't even bother to look at me.


She's quietly scrolling through her instagram feed. Nagtatampo parin talaga siya.


"so talagang kami pa ang huling makaka-alam Gracie? I thought we're friends? We should be transparent at all times" litanya ni Czarina.


"kaya ka naman pala wagas kung maka-emote nong sinigawan ka ni Ramon, may hidden agenda pala kayong dalawa!" dagdag pa ni Diane.


"so ano? ngayon umamin ka! Kayo na ba??" Czarina na feeling ko anytime kikilawin ako.


"hindi! Hindi ganun yun guys! Walang something samin ni Ramon, that kiss is nothing. it was just a mistake" paliwanag ko.


"ano yon? nagsalubong kayo tapos nagkabanggaan yung labi niyo ganun? Nako nako Gracie ha? Wag mo kaming ineechos!! Don't us!" Diane


"Isa pa if that kiss is really nothing, bakit hindi mo inamin? You're guilty Gracie, guilty ka!" Czarina



Maya maya, biglang tumayo si Andrea at lumabas ng kwarto na walang pasabi.


Nagkatinginan kaming tatlo.



"I wouldn't even be surprised that Andrea is acting this way, You lied to us Gracie and I am really mad!" pagkasabi niyon ni Czarina, tumayo na siya at lumabas narin ng kwarto.



"ano? Iiwan mo rin ako?" sita kokay Diane nang maiwan kaming dalawa sa kwarto.



Umiling siya saka ngumiti na para bang nang-aasar. Tumabi siya sakin saka niya ako sinundot sa tagiliran "so tell me, how was it? Magaling ba siyang humalik??"


"DIANE!!!"

"how far did you two get hah??"

The CEO's SonWhere stories live. Discover now