1. He's the Son

28.5K 375 14
                                    


Disclaimer:

This story is purely a fanfiction. Characters and events are all products of my imagination and thus does not represent views of anyone.


--------


"Grace ano ba bumalik ka nga dito yang skirt mo hindi maayos!"


"I'll be fine, aayusin ko nalang sa daan late nako!"


Kasi naman eh! Kung mamalasin ka nga naman, bakit ko ba nalimutang may job interview ako ngayon!


Pahamak kasi si Trisha. Niyaya pa akong pumarty kagabi kaya eto, tinanghali ng gising.



Ang pinaka nakakainis, kung kelan ka nagmamadali, saka ka inii-snob ng mga taxi driver. Samantalang pag regular days, halos mag-agawan silang isakay ako.

Inabot nako ng siyam siyam. 10 minutes nakong nag-aabang ng taxi pero wala parin. Nakakainis!

No choice. I will have to ride a bus!



It is 5-min away from here but it's better kesa naman maghintay ako dito.

Hindi ko na maramdaman ang paglapag ng sapatos ko sa kalsada sa sobrang bilis ng paglalakad ko. Para akong tumatakbong naglalakad at halos wala na akong pakialam sa mga nakakabangga kong nagdaraan.



Ang malas pa dahil umulan kagabi at napaka putik ng kalsada. Sana naman wag akong abutin ng patong patong na kamalasan dito!


Finally, matapos ang mahabang lakaran, natatanaw ko na yung bus stop. Patawid na ako ng pedestrian crossing nang biglang...





"HOY BUMALIK KA DITO GAGO!!!!!" buwisit na buwisit kong sigaw habang nanggagalaiting pinagmamasdan ang nangyari sa suot kong damit. Para akong naligo ng putik. PUCHANG YAN!


I was about to go after the car that hit me nang mapansin kong tumigil siya sa di-kalayuan at ilang sandali ay bigla itong umatras papunta sa harapan ko.


The window slowly rolled down.


"sorry" walang ka-sine-sinseridad niyang sabi sabay ng isang nakakabuwisit na ngiti na lumabas sa labi niya bago niya tuluyang pinaandar yung sasakyan nya. Gusto ko siyang gulpihin, batukan at tadyakan.


"KUNG DIKA MARUNONG MAGDRIVE WAG KANG MAGDRIVE GAGO!!!!" sigaw ko but to my surprise, tumigil nanaman siya. And there I realized, naka-red pala yung stoplight. So I took that opportunity to go after that conceited guy!


Marahas kong kinatok yung bintana ng sasakyan nya and for the second time, he rolled down the window.


"Yes??"


"YES YES MO MUKHA MO! LOOK AT WHAT YOU'VE DONE TO ME!!!!" inis kong sigaw. wala nakong paki kung magmukha akong tanga dito

The CEO's SonWhere stories live. Discover now