Chapter 46

4.3K 94 59
                                    

Sorry this came out a little late. Ewan ko kung bakit laging ang hirap kumonek sa internet kapag Friday nights. 

I know you won't but I still hope you will... probably two, three or three weeks from now bells will start ringing. :)

#PSCtheCharmingFinale

Cry, baby, cry!!!! *evil laugh*

------

"Where to next?" tanong ni Prince sa assitant nang mag-umpisa itong magmaneho. Siya nama'y prenteng nakaupo sa backseat habang minamasahe ang kanang balikat. Napagod siya sa paglalaro ng golf, palibhasa'y ngayon na lang ulit siya nagkaoras maglaro. At mukhang malabo nang maulit pa iyon. At least he was able to close the deal with the pageant organizer. Sa La Madrid na magaganap ang coronation night ng Miss World Philippines ngayong taon.

"Babalik na po tayo sa hotel. Wala na kayong naka-schedule na meeting ngayong araw," sagot ni Edwin, panaka-nakang sumisilip sa kanya gamit ang rearview mirror.

Napatingin siya sa relo at pasado alas cuatro pa lang. "And tomorrow?"

"Bukas na po naka-schedule ang meeting n'yo with the board."

Napabuntong-hininga siya. "That'll probably be the last, then." Mapait siyang ngumiti saka itinutok ang mga mata sa labas ng bintana. Nitong mga nakaraang araw ay tinatapos niya na ang lahat ng dapat tapusin. Ayaw niyang iwan ng trabaho ang kung sino mang papalit sa posisyon niya bilang presidente ng hotel.

Right, he's decided. Naka-print na nga ang resignation letter niya. Labag man sa kalooban ay mas pipiliin niyang iwan ang lahat kaysa kay Cindy. Everyone would think he was stupid if they learn about it, but it was the least of his concerns now. If there's one thing he was trying hard to let go, it was Regina herself. He only wanted her to accept his relationship with Cindy. Kailanman ay hindi niya inakalang hahantong ang lahat sa ganito.

And speaking of the devil, natagpuan niya na naman itong nakaupo sa silya niya nang makabalik siya sa opisina.

"Can you personally get me a cup of coffee from the restaurant, Edwin?" nakangiting wika nito sa lalaking kasunod niyang pumasok sa silid.

"Opo, chairman," magalang nitong sagot saka tahimik na lumabas para iwan silang dalawa.

Tahimik lang din siya, nakatayo sa harap nito habang hinihintay itong magsalita. Hindi ito pupunta roon nang walang dahilan.

"I heard you scheduled a meeting with the board?" Seryoso na ang tinig nito nang mag-umpisa, wala na ang ngiting ipinakita nito kanina sa kanyang sekretarya. Malayo ang tingin nito habang pinaglalaruan ng mga daliri ang paborito niyang fountain pen.

"Gusto ko lang magpaaalam nang maayos," kalmadong sagot niya. Bumaba ang tingin niya sa sobreng nakapirmi sa gitna ng malinis niyang mesa. "That envelope in front of you... that's my resignation letter.

Tumaas ang isang kilay nito. "Does that mean you are decided? I can't believe you are choosing her over everything."

"Cindy is my everything," he firmly stated.

"At ako?" nahimigan niya ang hinanakit sa tinig nito, maging ang mga mata nito ay hindi nailihim ang pagdaramdam sa naging desisyon niya nang humarap ito sa kanya. "Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ko? I am not just anything, Prince. I am your mother."

"And that is why I respect you and your decision. Kung talagang itatakwil n'yo ako, aalis akong tahimik. I won't cause you anymore problems. I sorry I've been nothing but disappointment to you." He bowed his head as soon as he felt his eyes heat up. Ginamit niya ang likod ng palad upang punasan ang luhaang mata bago pa magpaunahan ang mga iyon pababa sa kanyang pisngi.

Tumingala ito at makailang ulit na kumurap, tila pinipigilan din ang sariling mapaluha sa mga naririnig. "How could you? How could you do this to me, Prince? Kung hindi pa nagka-amnesia ang babaeng 'yon sa tingin mo ba magbabago ang pakikitungo niya sa 'yo? Buong buhay niya, Prince, wala siyang ginawang mabuti sa 'yo. Pero mas pipiliin mo siya kaysa sa sarili mong ina?"

"Well, she was there for me during the times you weren't," he reasoned out. "I guess that's enough reason I'm more attached to her despite every bad thing she did.

"Lagi kayong nasa trabaho. Kung wala kayo sa ibang lugar sa Pilipinas, nasa ibang bansa naman kayo. Wala kayo kapg may sakti ako. Pero si Cindy, nasa bahay siya para paalalahanan akong uminom ng gamot. She'd do that with her deadly tandem of a raised brow and crossed arms. Tapos sasabihin niya sa' king kailangan ko nang magpagaling kasi wala akong silbi kapag may sakit ako." Bumagsak na muli ang mga luha niya at hindi niya iyon pinigilan. Mukha nga lang siyang tanga dahil nakangiti siya habang umiiyak. Napapangiti siya habang inaalala ang dating pakikitungo sa kanya ni Cindy.

He added, "Kapag birthday ko, wala rin kayo. Natalo pa kayo ng regalo n'yo kasi nakakarting sila sa bahay. Pagdating ng high school, nahinto na 'ko sa pagpapa-party kasi bago pa ang birthday ko, pinagbabawalan niya na 'kong magpa-party sa bahay dahil ayaw niya raw ng maingay. It was ironic, kasi sobrang ingay nila ng mga kaibigan niya kapag nasa bahay sila. Pero iniisip ko na lang, at least, naaalala niya ang birthday ko. At kahit wala akong celebration, hindi siya umaalis ng bahay kahit kahit papaano may kasama ako.

His smile slowly faded, his sobbing worsened. "Palagi, bibilhan ko ng cake ang sarili ko. Pero bago ko pa malagyan ng number candle 'yong cake, nakakain na si Cindy. Tapos siya pa ang galit kapag pinagsabihan ko siya. Kaya natuto akong hindi bumilil ng number candle. Tutal wala rin namang kakanta ng happy birthday para sa 'kin. Walang kukuha ng picture o sisigaw ng make a wish bago ko hipan ang kandila.

"Kapag graduation, pareho kaming walang magulang na aakyat sa stage. Nakakalungkot 'yon, tapos gagatungan niya pa kasi mas marami ang awards niya kaysa sa 'kin. At dahil pareho kaming walang magulang na mangugulit ng napakaraming picture sa stage, aalis kaming maaga. Pagpapabili siya ng ice cream pero sila-sila lang ng mga kaibigan niya ang kakain pagdating sa bahay. Ni hindi niya 'ko aaluking kumain kasi alam niyang hindi ako mahilig sa ice cream. Pero kapag umorder ng pizza ang mga kaibigan niya, sa akin niya ibibigay ang share niya.

His hand went down his pocket to retrieve his hanky. He bowed his head, wiped his tears and took a deep breath and tried to calm himself. "Totoong hindi siya naging mabait sa 'kin. Pero noong mga panahong kailangan ko ng magulang, noong mga panahong kailangan ko kayo pero wala kayo, si Cindy ang kasama ko. You can't blame me for appreciating her despite all the bad things she was doing to me back then. I know she hates me, but never once did she leave me alone. Never once did she make me feel alone."

"Napakababaw ng dahilan mo," dismayadong wika nito habang hindi makatingin sa kanya. He could see her efforts in keeping her eyes from shedding tears.

Matipid siyang ngumiti. "Siguro nga. Pero hindi naman ibig sabihin na hanggang ngayon iyon lang ang dahilan ko para piliin siya. Mahal ko siya, Ma. Mahal na mahal ko siya."

"At ako, hindi?" Nakakunot ang noo nito nang humarap sa kanya, tila hindi matanggap ang bagay na nasasaisip ngayon.

"Siyempre mahal ko rin kayo," sinserong sagot niya, magkasalubong na rin ang kilay dahil sa iniindang sakit ang lungkot. "Pero mas mahal ko si Cindy. That's all there is to it."

Mariin itong pumikit saka huminga nang pagkalalim-lalim. Parang naubosan ito ng hangin sa pakikinig sa kanya kaya gusto nitong punuin ngayon ang baga. "I see," she said, nodding. Her voice was broken, her forehead wrinkled from trying to hold back her tears. "Pagkatapos mong magpaalam sa board, umalis ka na agad. Ayoko nang makita ka pa sa hotel ko."

Siya naman ang yumuko at makailang ulit na tumango. "Ipinapaayos ko na kay Edwin 'yong pagbabalik ng shares ko sa pangalan n'yo. Pati 'yong mga properties na ibinigay n'yo sa 'kin. I'm really sorry, Mom. I love you." Muli ay tumulo ang mga luha niya.

"Leave," malamig na tugon nito, hindi na ulit makatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang pagtulo ng luha mula sa isang mata nito. Hindi nito pinahiran iyon. She the cold air from the AC dry up her tears.

He bowed his head to show her his respect but she didn't seem to care. Nang hindi na ito magsalita ay tumalikod na siya't naglakad palabas ng sariling opisina. He silently flinched in his every step. He could never prepare himself enough to endure such heartbreak.

He isn't his mother's son anymore. 

Prince So Charming: The Wicked ContinuationWhere stories live. Discover now