Chapter 20: Losing Prince

2.6K 79 4
                                    

Sa mga nagre-request ng BAGOng manliligaw ni Cindy... sarreh! Wala po yan sa plano ko. I don't think na magkakaroon ng bagong suitor si Cindy anytime soon. Kasali ata ako sa anti-kilig society at ganito ang mentality ko bwahahahahah

------

Chapter 20: Losing Prince


Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cindy. Tone-toneladang lakas ng loob ang kailangan niya ngayon para sa kanyang balak. Well, it wasn't her sole idea. Aya plotted it. Nabanggit niya kasi rito ang naging pag-uusap nila ni Stephanie noong nagdaang araw.

Parang tangang nagtitili ito sa tuwa nang marinig ang sasabihin niya. Mas excited pa ito kaysa sa kanya. Hayun nga at agad itong gumuhit ng isang plano para maagaw niya si Prince.

At ang unang hakbang sa balak na iyon ang isasakatuparan niya ngayon.

Sa wakas ay nagawa na niyang pihitin ang malamig na door knob. Parang kasing lamig iyon ng kamay niya. Pigil-hininga siyang humakbang papasok sa loob. Agad hinanap ng kanyang mga mata si Prince. Tahimik itong nakaupo sa likod ng sariling mesa habang nakatutok sa computer. Nakita niya nang sandali siya nitong lingunin ngunit hindi ito nagsalita. Ganoon pa rin ito kung umakto, parang hindi siya nakikita.

Sabay sa pagkirot ng puso niya ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi. Ilang araw nang ganito si Prince pero hindi niya pa rin makasanayan.

Ipinagkibit-balikat niya ang hindi nito pamamansin. Sa halip ay binigyan niya ito ng isang napakatamis na ngiti, umaasang susulyap ito sa kanya. "May kailangan ka?"

Napatingin nga ito sa kanya. Suot nito ang isang ekspresyon na gaya ng inasahan niya. Nagtatanong ang mga mata nito habang nakakunot ang noo. Siya ang pumasok doon nang hindi ipinatatawag, tapos siya ang magtatanong kung may kailangan si Prince?

Lumiit ang ngiti niya, ang mata'y saglit na nasalin sa malayo. Ilang beses siyang nagpraktis sa harap ng salamin pero kinakabahan pa rin siya.

She tucked the loose strands of her hair back behind her ear, clearing her throat all of a sudden.

"Baka lang may gusto kang ipagawa," aniyang hindi pa rin makatingin sa binata. "Do you want coffee?" Bigla siyang humarap dito. Inilapat niya ang mga palad sa mesa. "Tea?" Tumaas pa ang isang kilay niya sa paraang nagtatanong.

Kahit dama niya ang pag-init ng mga pisngi ay pinilit niyang huwag ialis ang tingin kay Prince. Nahuli niya tuloy ang bahagya nitong pagdistansya sa nakalapit niyang mukha. Lalo siyang lumapit nang hindi ito sumagot.

One breath away.

She added in a seductive whisper, "Or me?"

She was able to count a couple of second before getting a reaction. Prince turned away, only after taking a gulp of his own saliva. And Cindy was lucky enough to witness it.

Pero wala siyang narinig na sagot. Ibinalik lang nito ang mga mata sa ginagawa. Napakagat na naman siya sa pang-ibabang labi. "Masahe?" alok niya sabay punta sa likuran nito. Hawak na niya ang magkabila nitong balikat nang bigla itong pumihit paharap sa kanya.

"Cindy, pwede ba?" Impatience was evident in his voice. "I don't have time to play with you." Tinalikuran na siya nito.

Yumuko siya. Hindi dala ng pagkapahiya, sa halip ay dahil sa naisip niya. "Galit ka pa rin ba sa 'kin hanggang ngayon?"

"I said I don't have time to play with you." His voice was rather cold.

"Yan din ba ang sinabi mo sa kanila?" Tinutukoy niya ang mga kasintahan nito. Lately, she hadn't seen any of them. Si Stephanie na lang ang sakit ng ulo niya.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon