Chapter 19: Missing Prince

3K 75 7
                                    

Ang stupid ko talaga kahit kailan. May isang scene akong gustong-gusto pero hindi ko pala naisulat? Ngayon parang malabo nang maisulat ko yun. Kainis! Napaka-cute pa naman ng eksenang yon... mahuhuli ni Prince si Cindy na iniinuman yung ipinatimpla niyang kape. Pagtatawanan niya si Cindy at pagbibintangang nakikipag-indirect kiss ito sa kanya gamit ang tasa. Tapos aasarin niya na naman si Cindy kung gusto nito ng kiss galing sa kanya.

Haist. Pero wala eh. Hindi ko na maisingit yong eksenang yon. Naiiyak ako T_T Ang hirap ng walang outline na sinusunod... pabago-bago yung takbo ng utak ko.

Dapat nga hindi kakausapin ni Stephanie si Prince tungkol sa nakita niya eh. Ang mangyayari talaga, sasagasaan ni Stephanie si Cindy. At syempre bonggang mag-aalala si Prince. Then... then... basta! Basta yung consequences ng "dapat" na ginawa ni Stephanie ay mangyayari pa rin. That's all I can say right now....

PS.

Thank you everyone for the 4.6K reads. Sana tumaas din ang bilang ng votes and comments ^_^

No proofread. I'm busy working on the next chapter.....

-------

Chapter 19: Missing Prince

                                                         

Maingay sa loob ng bar. Malakas ang musikang sinasabayan pa ng hiyawan ng mga nagsasayaw sa stage. Ni hindi umaabot sa kanyang pandinig ang bawat pagsanggi ng cinnamon ice cubes sa hawak na glass tumbler.

Wala siyang magawa. Wala rin siya sa mood para uminom o sumayaw kasama ng iba. Sayang lang ang pagdadala sa kanya ng mga kaibigan sa club. Wala siyang oras na maki-party. Busy siyang mag-emote.

Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Ilang araw na ring malamig ang pakikitungo sa kanya ni Prince. Sa tanda niya ay nag-umpisa iyon nang pagbintangan siya nitong nagseselos sa isa nitong kalandian. Siyempre hindi siya umamin. Sa halip, para pagtakpan ang tunay na sagot, mayabang siyang nanghingi ng dahilan para magkagusto siya rito.

Malinaw sa kanyang sumama ang loob nito, kaya nga agad rin siyang nag-sorry. He said she's forgiven. Pero hindi niya ramdam.

Uso rin pala sa mga lalaki ang plastic?

Dinala niya ang baso palapit sa kanyang labi para uminom. It was a smooth gin mix. The hint of lime against her tongue almost made her shiver.

"Shin!" Umangat ang tingin niya nang marinig ang malakas na boses ni Aya. Umikot ang mga mata nito bago tumuloy sa pagbalik sa puwesto nila. "Seriously?" anito sabay hablot ng sariling bag para sa kaha ng sigarilyo. "Hindi mo na nga kami sinamahan sa SG, hanggang dito ba naman lutang yang utak mo? We came here to party, remember?" Humithit ito sa ngayo'y nakasindi nang sigarilyo.

Umiling siya. "No mood. Sinabi ko naman na kanina pa, 'di ba? Pinilit n'yo lang kaya ako."

"Wow, manisi talaga?" Her tone of voice proved her disbelief. "Shin, kakauwi lang namin. Kung umasta ka parang hindi mo kami na-miss ah?"

"You know I did, Aya," mabilis niyang sagot bago bumalik sa paglalaro ng palutang-lutang na yelo sa kanyang baso. "Talaga lang..." yumuko siya't saglit na tumigil, "talaga lang marami akong ibang iniisip."

"Like Prince?" Sa kabila ng patay-malisyang tono ng katabi ay hindi niya napigilan ang sariling mapaharap dito.

"Aya?"

"Shin, mayroon ka bang hindi sinasabi sa 'kin?"

Yumuko na naman siya. Bumuntong-hininga. Kumurap-kurap.

"What is it?" pilit nito.

"Sabi ko kakalimutan ko na siya eh," tila malayong umpisa niya. "Pero parang hindi ko kaya. Parang lumalalim pa nga 'yong nararamdaman ko. Alam kong hindi lang ako basta nagseselos kapag may kasama siyang iba. Mas malalim pa doon. Nasasaktan ako."

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon