Chapter 29: Prince's Choice

2.7K 68 10
                                    

Wew! New Year ko pa dapat 'to gagawin at ipo-post... basta wahahahahaha

May bagay nga pala akong nakalimutan dun sa note ko sa last chappie....

Finally! Nakainom na ako ng kapeng may milo or rather... milo na may kape ahahahaha

Sa mga nagtatanong, lasang kape -_-

Parang cappuccino na ewan. Basta parang chocolatey kind of coffee. Ang tabang na kasi ng milo kainis! Kapag in-edit ko si Cindy, papalitan ko yung Milo ng Swissmiss para mas sosyal wahahahahah! (Oo, ie-edit ko si Cindy... someday!)

Dun nga po pala sa mga nagbibigay ng flood votes, sobrang thankful po ako sa inyo. Pero pasensya na po kung hindi ako makapag bigay sa inyo ng dedic. Inuuna ko po kasi yung mga nagbibigay ng comments. Pasensya na talaga. pero naa-appreciate ko po ang kada-click nyo sa star button. Lalo na yung mga flood votes na halos magkakapareho ang oras ng vote. Siguro ay offline kayong nagbasa, pero nag-effort pa rin kayong mag vote nung makapag-online kayo kaya thank you po talaga!

At dahil feel kong bumawi ngayon, hahabaan ko itong chapter :)

#RollerCoasterRide

#WattpadPrinceSoCharming

-------


Chapter 29: Prince's Choice


"Huwag ka nang bumaba. Okay na 'ko rito," ani Cindy nang makitang nagtatanggal rin si Prince ng seatbelt. Kauuwi lang nila matapos mamasyal at kumain ng hapunan.

"Ihahatid na kita hanggang sa taas," pilit nito.

"Hindi na. Kaya ko na. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin." Bumaba na siya ng kotse.

Gumaya ito sa halip na sumunod. "I insist. I need to make sure na makakauwi ka nang maayos. Kaya ihahatid na kita sa unit mo."

Tumawa siya. "Ano bang pwedeng mangyari bago ako makarating sa unit ko?"

Nagkibit-balikat ito. "Ewan. Baka ma-trap ka sa elevator? At least kung kasama mo 'ko, edi hindi ka matatakot mag-isa."

"Osige, hindi na lang ako mag-e-elevator."

"Sira ka ba? Baka nakakalimutan mo kung saang floor ka nakatira. Aakyatin mo talaga 'yon?"

Muli siyang tumawa. "Kung 'yon ang kailangan para hindi ka na mag-alala."

Sumingkit ang mga mata nito. "Ayaw mo lang ba 'kong mag-alala o baka may itinatago ka sa 'kin? Siguro may lalaki ka sa bahay mo, ano?"

"Hala siya! Itinulad pa 'ko sa 'yo?" patol niya sa biro nito. "Wala akong lalaki."

"Eh bakit ayaw mong ihatid kita sa taas?"

"You're tired."

Namulsa ito. "Who told you?"

"Alam ko lang. Boyfriend kita kaya alam ko."

Lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. "Boyfriend?"

Napakagat-labi siya. "Sinabi ko bang boyfriend?" Nag-iwas na lang siya ng tingin. Despite everything that happened in the past few days, their relationship remained unlabeled. They can't be an official couple. Not with Prince being engaged with another woman.

"Sinabi mo na eh, wala nang bawian!" may pagtatampong anito. Bago pa man siya makasagot ay nakalapit na ito para kabigin siya sa isang yakap. "I love you girlfriend ko."

Napangiti na lang siya. Masarap pala sa pakiramdam ang tawagin nito bilang girlfriend. "Ang korni mo. Kadiri ka."

"Huwag ka nang magpalit ng topic. Basta girlfriend na kita!"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon