Chapter 2: A Different Prince

4.9K 135 24
                                    

Ang update na ito ay bunga ng kamatayan at muling pagkabuhay nina Cindy at Prince sa kwentong Living with the Dead. Taray di ba? Humo-Holy Week din ang casts ko... nagre-resurrect wahaha

Pakibasa ang Living with the Dead ni @rizmei :) May cameo dun sina Prince (na good boy na ulit) at Cindy (na bruha mode na naman, wala kasi siyang amnesia sa kwento).


———

Chapter 2: A Different Prince


Prince M. Merced

President

Iyon ang nabasa ni Cindy nang sandaling mapadpad ang tingin niya sa malinis na mesa sa likod ni Prince. Hindi na niya magawang tagalan ang mainit na titig nito. Mga titig na pakiramdam niya'y gusto siyang tunawin... o hubaran. Kung dapat ba siyang kiligin sa pakiramdam na yon o hindi, hindi niya sigurado.

"You know her?" tanong ng bisita ni Prince. Nakalapat pa ang mga palad nito sa dibdib ng binata.

Nginitian ni Prince ang kanina'y kahalikan niya. "She's my new secretary."

Napatingin si Cindy kay Maddison. Halata sa mukha niya ang gusto niyang itanong: Siya ba? Siya ang boss ko?

Tinanguhan siya ni Maddison bago nito muling binalingan ang presidente. "Ah, sir, siya si Cindy."

"I got it," putol ni Prince sa sekretarya. "Leave us."

"Sir?"

Kinabig ni Prince palapit ang kanyang bisita. "We're busy. Mamaya ko na lang siya kakausapin."

Hindi na hinintay ni Prince ang sagot ni Maddison. Hinawakan niya ang pisngi ng babaeng kaharap sabay angkin na naman sa mga labi nito.

Nailinga na lang ni Cindy ang tingin sa malayo. Hindi naman nakalagpas sa kanyang pandinig ang maingay nilang halikan, maging ang malalanding ungol ng babae. Pang-asar!

"Do'n na muna tayo sa labas," bulong sa kanya ni Maddison.


***

"Ituturo ko na lang muna sa'yo yung mga gagawin mo at busy-busy-han pa ang magaling nating presidente."

Narinig niya ang sinabi ni Maddy. Rinig niya rin ang kaluskusan ng mga inaayos na papel. Alam niyang dapat na niyang abalahin ang sarili sa trabaho ngunit hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan.

Nakatayo lang siya sa likod ng saradong pinto ng opisina ni Prince. Nakatitig siya sa pintong iyon habang hinahayaan ang maraming tanong na magsirko-sirko sa kanyang isipan.

Si Prince... siya ba talaga yon? Kailan pa siya bumalik?

"Shin?"

"H-Ha?" Noon lang naisalin ni Cindy ang mga mata kay Maddison.

"Tsk, tsk, tsk," naiiling pang panimula ng sekretarya. "Ganun talaga si president. Ngayon pa lang masanay ka na. Maya't-maya, may pupunta rito at hahanapin siya. Araw-araw iba-ibang babae ang magpapakilala sa'yong girlfriend niya. As long as wala siyang kasama sa office, papasukin mo lang. Pero pag may ibang dumating habang may babae sa loob, dapat matuto kang magsinungaling at pagtakpan siya. Sadly, kasama yon sa job description mo. Wag na wag kang aalis habang may bwisita siya sa loob. Mahirap nang masalisihan. Swerte mo kung walang dadalaw dyan sa loob ng isang araw. Napaka-playboy!"

"Nagbago na pala siya," wala sa isip na nasambit ni Cindy.

"Ha?" nagtatakang tanong ng buntis.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon