Chapter 17: An Emotional Prince

3.1K 79 3
                                    

Ganito kasi yan (AN lang to). Gusto ko talagang mag-update pero wala talaga akong pang-update. Lels

Nahirapan akong dugtungan yung last scene sa chapter 16 kasi... kasi... hindi naman kasi dapat sa ganun yun magtatapos ehh T_T

Dapat magagalit si Cindy dun sa gagawin ni Prince. Pero... mahal ko kasi si Prince at ayoko na sa role niya na medyo bastos (diba? Diba??) Kaya ayun... yung kamay ko, nagtayp ng tungkol sa mabait na Prince... pogi points tuloy siya kay Cindy... pero hindi kasi dapat ganun yun ehh!! Pati yung naging kissing scene nila (nabanggit ko na ata yun). Pero wala eh. Hindi ko na maisulat yung gusto ko. Fail!!!!

Anyway... Eto na yung update. Wiw! Sana next week mag UD agad ako no? Wahahaha! Wish me luck!

PS. Babawi dapat ako at hahabaan yung update kaso.... di ko na talaga kaya magsulat. Sisihin nyo si Lee Jun Ki! Nagse-search kasi ako ng photo niya nung ma-discover ko yung Joseon Gunman. Pucha pag seach ko kasama niya si Nam Sang Mi! Anyone familiar with HumiGad's Utos Niya? Sila dun si Cruz at Noleen (yung bruhang malanding may asawa na pero nilalandi pa rin si Cruz KO). Ahahaha assume pa more ako! So, eto na... eto na ang update. Pasensya na talaga sa mga nanghihintay!

-----


Chapter 17: An Emotional Prince

Hindi na naman maipinta ang mukha ni Cindy. Mahaba ang nguso niya habang inililipat ng pahina ang tinitingnang notes. Siya ang kumuha ng minutes sa meeting kanina at kailangan niya iyong i-transcribe. Ang kaso ay kamay niya lang ang nakalapat sa mga papel, hindi ang kanyang mga mata.

Masama ang tingin niya sa saradong pinto ng opisina ni Prince. Wala siyang X-ray vision pero parang nakikita niya ang nagaganap sa loob.

Si Prince, ang isa pa sa mga babae nito, at isang saradong silid. Everything can happen. Si Prince pa ba?

Naiiling siyang bumuntong-hininga. Parang gusto na niyang bawiin ang nasabi niya kaninang umaga. Ang Prince na nakilala niya, malapit nang bumalik? Malabo yata. Mas posible pa sigurong masabunutan niya palabas ang babaeng kasama nito ngayon.

Naiinis siya sa babaeng narinig niyang tinawag ni Prince na Tiana.

Ang pangit ng pangalan! Kasing pangit niya.

Well, hindi naman talaga pangit si Tiana. Sadya lang naimbyerna siya nang dumating ito. Bukod sa hindi siya nito pinansin nang pigilan niya, na-bad shot siya kay Prince dahil sa kagagawan nito.

Nakabuntot siya kay Tiana nang buksan nito ang pinto kaya nakita niya kung gaano nagulat si Prince sa di-inaasahang bisita. Sinalubong nito ng yakap at halik sa pisngi ang babae habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

Nabasa niya ang mensahe sa titig nito, Bakit mo pinapasok?

Napanguso siya sa naalala. The fact that she disappointed him frustrates her. Ewan ba niya, pakiramdam niya nabawasan ang ganda points niya dahil sa nangyari.

Trabaho lang, walang personalan, untag niya sa sarili. Siyempre, boss si Prince kaya dapat sundin. Kapag sinabi nitong ayaw nito ng bisita, dapat lang na huwag siyang magpapasok ng kahit sino.

"Iyong Tianak naman na 'yon kasi eh!" Asar niyang sabi bago ibinalik ang tingin sa pinaghirapan niyang minutes. Bumaling siya sa gamit na computer. Ilang minuto na ring nakabukas ang Word pero ni isang salita ay wala pa siyang naisasalin sa virtual bond paper. Kung hindi pa template ang binuksan niyang file, paniguradong sasalubungin siya ng blankong pahina.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationWhere stories live. Discover now