Chapter 30: Betraying Prince (Part 2)

2.3K 50 14
                                    


And I am so effin' back!

Thank you to everyone who kept my spirits up. Ayoko rin talagang i-unpublish sina Cindy at Prince (ngayon ko lang na-realize, bat wala silang loveteam name? Err, ShinPrince? PrinShin? PrinCindy? PrinDy? Anak ng tipaks yan oh! Hahahah!)

Pasensya na po kung tumagal na naman ang update. Pero di na ko masyadong mag-e-explain kasi nga walang nagbabasa ng authors note (ang mga nagbabasa, mag-react!!! XD)

Cool din pala hindi magbukas ng account for around a week, ano? 500+ yung notifs ko bwahahahaha. Kaso bumaba na sa 700 at 500 yung ranking nila... Iba talaga ang magic ng black and white covers.

Syangaps, may tinatapos lang po akong MS kasi gusto ko na talagang karirin ang pagsusulat (nasabi ko bang hindi na-approve yung MS ko before? Ngayon nasabi ko na...) 10 chaps lang yon pero hindi ko talaga matapos kaya baliuag bulacan na naman ako. Well, yun yung pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang araw (kunwari ayaw pang mag-explain). Hindi na yata ako makakasali sa WWBY '16 kasi yung utak ko laging sabaw.....

Will try to update next Monday (or Tuesday). Nahihibang na ako kasi sabi ko nga nagkandalabo-labo na yung kwento. Still can't figure out what to do next. Still keeping my fingers crossed. I want to finish this story and start a new one this summer.

Thanks for your patience, Royals! (naks, may pangalan na yung fandom XDD wag na kumontra hehe)

Salamat po sa patuloy na pagbabasa! <3 Mahal ko kayo pramis! Higit pa sa pagmamahal ni Prince kay Cindy (push ko to XD)

-------

Chapter 30: Betraying Prince (Part 2)


Sa kusina nagdiretso si Cindy pag-akyat sa unit niya. Kailangan niya ng tubig. Kanina pang nanunyo ang lalamunan niya. Lalo lang siyang nanghina nang makarating sa dining at makita ang dapat sana'y sorpresa ni Prince para sa kanya.

Bumagsak na lang ang panga niya. Habang nag-aalala siya sa napag-usapan ni Prince at Stephanie, ito nama'y personal na naghanda ng romantic dinner para sa kanila.

But she ruined that supposed dinner now.

Napasabunot na lamang siya sa sarili. Nilalamon na naman siya ng kanyang konsensya. Kanina pa niyang pinag-iisipan kung tama ang ginawa niyang pananahimik. She was trying hard to justify her earlier acts.

She did not deny what he heard, nor admitted her feelings for him. Tulad ng nakita niya, nasaktan ito sa pinili niyang sagot—sorry.

Sa lahat ng pwede, iyon pa ang sinabi niya. Iniisip niya kasing iyon ang tamang gawin. Kung sasabihin niyang mahal niya nga ito, alam niyang tatatak sa sulok ng isip nitong nagsisinungaling lamang siya. Na sinabi niya lang iyon upang pagtakpan ang kasalanan. At lalo niya lang itong masasaktan.

Kahit anong gawin niya, kahit anong piliin niya, ito pa rin ang dehado.

Naupo siya at pinagmasdan ang lahat ng hinanda nito. Napatingin siya sa sarili. Suot niya pa rin ang couple shirt na binili niya. Natatandaan niyang suot rin iyon ng binata. Para sa kanila dapat ang gabing iyon. Dapat masaya sila, magkasamang kumakain, naglalambingan.

Pero hindi nangyari ang alinman doon. At kasalanan niya.

Hindi nagtagal ay natagpuan niya na lang ang sariling umiiyak. Nagsisisi.

Ang tagal niyang hinintay ang pagbabalik ni Prince. Apat na taon. Pagkatapos ay ilang buwan ang tiniis niya bago muling nakuha ang loob nito. Ngayong ayos na sila, ganito pa ang nangyari.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon