Chapter 41

1.7K 36 7
                                    

You're sick of waiting for updates? Drop the story.

You're tired of my excuses? Leave.

If you don't want to wait, try reading a completed story. Or buy a book perhaps. Each one of us has a life outside Wattpad, don't we?

#BeastMode

#OneSceneChapter

#ShortUpdate

#WagNaBasahin

#BalikKaNaLangSaSpecialChapter (yes, may special chapter. Di mo nabasa? Oh, poor soul!)

#NoProofread

-----


Nakabalik na ng Pilipinas si Regina, at hindi na palaisipan para kay Stephanie ang dahilan kung bakit siya nito gustong makausap. Malamang na tungkol ito kay Prince—na ilang araw nang nawawala.

"Dito po tayo." Iginiya siya ng katulong patungo sa likod ng masyon.

Nakabukas ang sliding door kaya kahit nasa malayo pa siya'y tanaw na niya si Regina. Prente itong nakaupo sa lilim ng gazebo, mag-isang nagtsa-tsaa kahit maalinsangan ang panahon.

"Ma'am, nandito na po si Stephanie," wika ng katulong.

Kinilabutan siya nang salubungin siya nito ng isang ngiti. "I've been waiting for you. Have a seat." Tumalima siya, ito naman'y bumaling sa katulong at nag-utos. "Ipaghanda mo nga ng maiinom si Stephanie. 'Yong malamig at maraming yelo. Mukhang mainit sa labas at pinagpapawisan siyang masyado.

Lalo lang siyang kinabahan. Totoong mainit sa labas, pero tiyak niyang mas mainit ang gagawin nitong panggigisa sa kanya.

"Gusto niyo daw po akong makausap?" tanong niya pag-alis ng katulong. Hindi mapakali ang mga kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan. Dapat niya bang buksan ang mga palad? Hindi yata magandang tingnan kung sarado ang kayang mga kamao. Para siyang handak manuntok anomang oras. Baka kung ano pang isipin ni Regina. Not that those things matter. She only wanted to think of other things. That would be better than torturing her own mind.

"Where the heck is Prince?" tanong nito bago humigop mula sa magandang tasa. Hindi ito nagtataas ng boses ngunit nahintakutan pa rin siya. Mas nakakatakot pa nga ito kapag kalmado. Napakahirap nitong basahin.

"I'm sorry Tita, hindi ko po alam," lakas-loob na pag-amin niya.

Tumaas ang kilay nito. "I'm sorry?"

Napalunok siya saka pikit-matang umulit, "Hindi ko po alam. Hindi ko po alam kung nasa'n si Prince."

"I see." Tumango ito saka ibinalik ang tasa sa mesita "That's a first. I thought you've learned to become his shadow?"

Lalong kumuyom ang kanyang kamao, dahilan para malukot ang magandang tela ng maganda rin niyang bestida. "I'm sorry, Tita. Hindi ko po siya nabantayan ng ayos."

"Of course!" Kalmado pa rin ang tono nito. "There's no other explanation to that. You and your neglience are to be blamed. Let's just hope he's not with Cindy right now."

"Tita," nag-aalalang sambit niya. Sa tono ng pananalita nito'y tiyak niyang may alam na ito.

Muling tumaas ang kilay ng ginang. "Or are they? I heard he finally found her. And he even hired her as his secretary."

"Opo. Pero may iba nang secretary si Prince ngayon. There's nothing to worry about anymore," she reasoned out, even when such fact can't calm her down.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationWhere stories live. Discover now