Chapter 8: The Prince's Fiancée

3.3K 96 15
                                    

"My Prince, miss na miss na kita! Ba't di mo 'ko tinawagan?" Halata sa mukha ni Cindy ang pagkauyam habang inuulit ang pambungad ng babaeng kahahatid niya lang sa opisina ni Prince. "Bwisit! Napakalandi, kala mo kung sinong maganda eh maputi lang naman."

Padabog na ibinagsak ni Cindy ang sarili pabalik sa kanyang silya. Ibinalik niya ang tingin sa saradong pinto ng tanggapan ng presidente. Napailing na lamang siya nang maisip niya kung ano na ang ginagawa ng dalawa sa loob.

"Maglampungan lang sila, wala 'kong pake!" asar na sambit niya sa sarili bago ibaba ang tingin sa mga inaasikaso niyang papeles. Kawawang mga dokumento! Iyon ang napagbuntungan niya ng galit.

Kung sanggol lang ang mga iyon ay malamang na puno na ng iyak ang opisina. At kung mayroong buto ang mga papel, paniguradong lasog-lasog na ang mga iyon sa bigat ng kamay niya.

Isang linggo. Ganyan na katagal si Cindy sa trabaho pero hindi pa rin niya magawang masanay.

"Move on, bitch." Ang daling sabihin. Pero hindi niya yata kayang sundin ang payo ni Aya.

Bumuntong-hininga na lang si Cindy. "Ang aga-aga, puro pambababae ang alam niya. Hay, naaawa ako sa fiancée niya. Kung umasta siya para siyang walang girlfriend."

Sandaling natigilan si Cindy.

"Sino nga kaya ang girlfriend niya?"

Muling napabuntong-hininga si Cindy. Pinilit niyang alisin sa isipan ang tungkol kay Prince at sa babae nito-legal man on hindi. Mas minabuti niyang ayusin na lamang ang mesa niya.

Kababalik niya lang ng mata sa mga inaayos na minutes nang makarinig siya ng mga yabag. Babae. Nakatakong eh.

Patay na, nagsabay pa. Teka, eh ano? Maigi nga yon, tas magpatayan sila.

Natawa man sa sariling kaisipan, tumayo pa rin si Cindy para pigilan ang babaeng alam niyang sa opisina ni Prince gustong dumiretso. Kasama nga pala sa job description niya ang magsinungaling at pagtakpan ang binata.

"Excuse me," saglit na natigilan si Cindy nang makita babae. Hindi sa nabighani siya sa maganda nitong pigura, sa posturang pang-modelo o sa maganda nitong dress na kakikita niya lang sa magazine kahapon. Hindi naman maaraw sa loob ng hotel, lalo sa silid na iyon, pero may suot pa itong shades.

Sa pagkabigla ay kinailangan pa ni Cindy na lumunok bago makapagpatuloy. Nakakunot pa ang kanyang noo. "Stephanie?"

Natigilan din sa paglalakad ang babae. Wala talaga siyang balak lingunin ang kanina'y nakaupong sekretarya kung hindi lang nito tinawag ang pangalan niya. Siya nga si Stephanie.

Gamit ang isang kamay, inalis ng bisita ang salamin niya sabay pihit paharap sa may-ari ng tingin niya'y pamilyar na tinig.

Awtomatiko ring kumunot ang kanyang noo. "Cindy?"

"Anong ginagawa mo rito?" sabay pa nilang tanong.

"Well I'm here for Prince," sagot ni Stephanie.

Tumikhim si Cindy sa bagay na naisip. Nakita niya kasi ang singsing na suot ng kausap. Hindi kaya siya ang...

Sa pag-iisip, hindi na nakasagot si Cindy. Tinalikuran na tuloy siya ni Stephanie upang itinuloy ang paglalakad papunta sa mismong opisina ng lalaking pakay niya.

Teka, may babae pa sa loob! Dapat ko nga palang pigilan magsabay yung mga babae niya kahit 'yon ang gusto kong mangyari para makapanood ako ng libreng sabong.

"Ah, sandali lang!"

Ibinalik ni Stephanie ang tingin kay Cindy ngunit hindi ito nagsalita ng anuman. Talaga lang halata sa mukha nito ang pagtatanong, Bakit mo 'ko pinipigilan?

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon