Chapter 6: Stuck Between Two Princes

4K 128 22
                                    

Note muna!

Gusto ko lang sabihin na ito na ang huling chapter na meron ako. Mga ten years na akong walang naisusulat. So sana ngayong nai-post ko na ang huling meron ako, makapagsulat na ulit ako lols.

Inspire me guys, please? COMMENTS!!!!

Disclaimer: No proofread


Chapter 6: Stuck Between Two Princes

 

Nangingiting bumaba ng kotse si Cindy nang sandaling pagbuksan siya ni Prince ng pinto.

Date ba 'to? Hindi naman di ba? Pero feeling ko talaga magdi-date kaming dalawa. Bahagyang umiling si Cindy upang iwaksi ang kakatwang ideyang naglalaro sa kanyang isipan.

"After you," sabi pa ni Prince saka pinaunang maglakad si Cindy papasok sa parehong restaurant. Pigil ang ngiti, nauna na ngang maglakad si Cindy. Kasunod niya lang naman si Prince.

Malapit na sila sa pinto nang tumunog ang cellphone ni Prince. Saglit na nagkatinginan ang dalawa.

"I'll just take this call. Mauna ka na sa loob." Hindi na hinintay ni Prince ang sasabihin ni Cindy. Tinalikuran niya lang ito at sinagot ang tawag. "Hello, Jasmine?"

Tss, babae na naman! sa isip-isip ni Cindy. Wala pa ngang nangyayari ay sira na agad ang "lunch date" nila. Naaasar man ay hindi na umimik pa si Cindy. Sino ba naman siya para magalit? Nauna na nga lang siya sa loob.

"Hihintayin ko muna yung kasama ko. Tatawagin ka na lang namin," wika ni Cindy sa lalaking nag-aabang sa tabi para sa kanyang order. Kabibigay lang nito ng menu. Kabibigay lang din sa kanya ng tubig ng isa pang waiter.

"Sige po ma'am," sagot nito bago umalis.

Binuklat-buklat ni Cindy ang menu at pinasadahan ng tingin ang larawan ng iba't-ibang pagkain. Wala pa siyang balak umorder. Gusto niya lang pumatay ng oras. Ilang saglit pa lang siyang nakaupo pero naiinip na siya. Ang tagal ni Prince. Ano bang pinag-uusapan nila nung babae niya? Ano ngang pangalan non, Jasmine? Ngayon ko lang narinig. Ilan ba talaga ang babae niya? Tss! Ma at pa! Ba't ko ba 'yon kailangang isipin? Kainis!

"Shin?" Naiangat ni Cindy ang tingin sa lalaking nagsalita.

"J-Johan?"

Napangiti ang lalaki. "Shin, ikaw nga. Akala ko asa trabaho ka pa? Anong ginagawa mo rito? Don't tell me you came here to surprise me?"

"Ha? T-Teka—" Nagulat na lang si Cindy nang umupo si Johan sa tapat niya. Pang dalawang tao lang ang mesang iyon. Si Prince dyan, alis! ang gusto sanang sabihin ni Cindy. "Johan, kasi..."

"How did you know I'm here?" tanong pa ng lalaki. Hindi niya pinansin ang kaaabot lang sa kanyang menu.

"Johan, nagkakamali ka. Hindi sa pinuntahan kita rito—"

"Okay, okay. I was just kidding. But it's good that I'm here. Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana! So, anong gusto mong kainin? It's my treat."

"Ah... Johan kasi..." Hindi nagawang ituloy ni Cindy ang sasabihin nang makita niya si Prince. Kapapasok lang nito at palinga-linga para hanapin siya. Hindi malaman ni Cindy ang gagawin—kung  tatawagin niya ba ang lalaki o yuyuko siya para pagtaguan ito. O baka ang dapat ay paalisin niya si Johan sa mesa. Kung ano-ano ang sinasabi nito ngunit wala siyang naiintindihan. Puno ng alalahanin ang utak niya. Hindi siya makapag-isip.

Kitang-kita ni Cindy nang mapalingon si Prince sa direksyon niya. Sa pag-asang mapagtataguan niya ito, yumuko na lamang siya. Agad niya ring itinaas ang hawak na menu para magtago.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon