Chapter 1

71.1K 331 144
  • Dedicated kay Vilma Villanueva and Trixie Pixie
                                    

To my dear readers,

I have to change the title of this story to avoid confusion with the other fan fic with the same title.

Thank you,

Gidgetwitty

Chapter One

"Jade, shopping tayo after work, pangpaalis stress," nakangiting sabi ni Opal sa matalik na kabigan habang abala sa pag-aayos ng mga gamot sa kabinet.

 "Naku, pasenya na Opal hindi ako pwede mamaya, may lakad kami ni Andy," sagot ni Jade sa kaibigan habang subsob pa rin ito sa trabaho. Apat silang duty pero dalawa lang sila sa nurses' station ng time na iyon. Iyong dalawa nilang kasama sa shift ay nasa kwarto ng mga pasyente.

 "Wow naman, may date na naman kayo? Ang suwerte mo talaga diyan kay Andy, friend. Imagine, super gwapo na, matalino, mayaman, at talaga namang mahal na mahal ka pa. Bakit kasi solong anak na lalaki lang iyan, di sana may pag-asa pa ako kung may brother siya," himutok nito.

 Napangiti si Jade sa tinuran ng bestfriend. Mula nang magtrabaho siya sa St. Claire's Hospital dalawang taon na ang nakalipas ay ito na ang naging kaibigan niya. Masayahin at madaldal si Opal, morena ang kutis nito, medyo chubby. Pareho sila ng hilig, kumain at manood ng sine.

 "Opal, ang tagal na naming hindi lumalabas ni Andy. Alam mo naman kung gaano ka-busy sa business nila iyon. Minsan nga nagtatampo na ako, may boyfriend ka nga pero parati namang walang time."

 "Friend, you have to understand real estate tycoon ang babe mo. Ang mga investment properties na hawak niya ay global. . Pero in fairness naman sa kanya, super effort din naman siya sa iyo. Kahit papaano makikita mo sa kanya na love, love, love ka niya talaga. At saka hindi ba last week lang kayo nag-date? Matagal na ba iyon!" nangingiting sabi ni Opal.

 "Minsan nga parang gusto ko na lang na simple ang boyfriend ko, " tahimik niyang sambit.

Alam niya kung gaano siya kamahal ni Andy. Nakilala niya ito one year ago sa Christmas party na ibinigay ng St. Claire Hospital sa mga staff. Guest of honor ito sa party dahil sa milyon-milyong donation nito sa naturang ospital. Napagpasiyahan niyang umalis ng maaga dahil may sakit ang sister niya noong time na iyon. Sa kamamadali ay nabunggo niya si Andy sa may pintuhan na lumabas lang sandali para kunin ang naiwang cell phone sa kotse. Pagkatapos na mag-sorry siya ay dumeretso na siya nang uwi, habang hindi niya namalayan na titig na titig ito sa kanya habang siya ay papalayo sa hotel na pinagdausan ng party. Kinabukasan sa trabaho ay nagulat na lang siya ng ipatawag siya ng hospital administration. Naguguluhan siya kung ano ang rason para siya ay tawagin ng mga nasa taas gayong ordinaryong empleyado lang siya sa St. Claire Hospital. Usually ang nakakapasok lang sa office of administration ay ang mga managers ng mga units sa hospital or by appointments. Laking gulat niya nang makita ang gwapong lalaking nabunggo sa party kasama ang CEO ng ospital. Nagmamalaking pinakilala sa kanya ng CEO si Andy Wu, panganay sa dalawang anak ni Don Fernando Wu na isang prominenteng negosyante at Dona Clara, na former international beauty queen and model. Kaya hindi nakakapagtaka na sumunod sa yapak nito ang anak na babae sa pagmomodelo. Mula noong araw na pinakilala sa kanya si Andy ay hindi na ito huminto sa panunuyo sa kanya. Halos araw-araw ay hinahatid sundo siya nito sa trabaho at bahay. Nakita ni Jade ang sincerity nito kaya pagkatapos ng halos anim na buwan ay tinapos na rin ni Jade ang paghihirap nito. Wala siyang masabi sa ipinakitang pagmamahal nito sa kanya. Maalalahanin at malambing si Andy sa kanya. Napaka-generous pa nito, kahit walang okasyon ay bigla na lang itong magpapadala ng mga bulaklak, minsan ito pa mismo ang magdadala sa kanya. Pag-galing naman ito sa mga business trips hindi pwedeng wala itong bitbit sa pasalubong sa kanya. Sabi nga ng mga friends niya, sana raw ay may clone si Andy para mayroon din silang katulad nito.

 Nagsimula lang ang problema niya last month nang mapansin niya na lately ay parating busy si Andy sa trabaho medyo dumalang ang pagdalaw o pagsundo nito sa kanya. Kadalasan ay bigla itong tatawag para i-cancel ang date nila dahil sa mga biglaang business meetings. Minsan ay biniro niya itong baka may iba na pinopormahan pero ni- reassure siya nito na talagang busy lang at babawi na lang sa sunod.

 "Hello Earth, oy mukhang ang layo ng iniisip mo ha, kanina ka pa wala dito." Nagulat pa si Jade nang magsalita si Opal.

 "Pasensiya na, naalala ko lang noong una kaming magkita ni Andy," tahimik niyang sabi.

 "Speaking of an angel, hayan na ang principe mo, my lady," masayang wika ni Opal sa kanya.

 Nakangiting palapit si Andy sa nurses' station. "Hello Sweetheart, how was your day?" Tumungo ito at hinalikan siya sa kaliwang pisngi.

 "Ayos naman, medyo busy ng kaunti sa simula ng shift. Mag-eendorse lang ako sandali tapos pwede na tayong umalis. Hintayin mo na lang kaya ako sa lobby."

 "Sige, sa lobby na lang tayo magkita," nakangiting turan nito kay Jade. Saka nagtungo papuntang elevator.

 "Naku, Jade sabihin mo lang kung sawa ka na sa boyfriend mong pogi at nandito lang ako," kinikilig na sabi ni Joan, isa sa mga nurses na kasama nila.

 "Ang haba ng hair mo, Day! Baka may pinsan iyang jowa mo ipakilala mo naman sa akin," dagdag ni Liza, ang nursing attendant nila.

 "Nag-iisa na lang iyang katulad ni Andy, asa ka pa," nakangiting biro ni Opal. "At saka kung meron man sa akin muna dahil ako yata ang bff ni Jade."

 "Kayo talaga, puro biro," iiling-iling na sabi ni Jade sa tatlo.

 Pagbaba ni Jade sa lobby ay nakita niyang masayang nakikipagkuwentuhan ang boyfriend niya sa CEO ng ospital.

"Well Carlo, nice talking with you again, Jade and I have to go now. Please set up an appointment with my secretary for that meeting," sabi nito sa CEO.

Tumatakbo na ang BMW na itim ni Andy sa kahabaan ng EDSA ng bumaling ito sa nobya. "Sweetheart, sorry sa mga atraso ko lately, busy kasi sa opisina," nakangiting sabi ni Andy.

"Okay lang ako sabi, puro overtime din naman ako dahil ang daming gastusin," matipid na ngiti ang isinukli ni Jade. Lahat ng perang iniipon niya ay para maipadala sa probinsiya kung saan dalawang kababatang kapatid pa niya ang nag-aaral. Ang magulang niya ay may maliit na restaurant sa Bulacan. Kahit papaano ay kumikita rin iyon pero kinukulang pa rin kaya kailangan niyang mag-padala ng tulong pinanyal.

 "I told you before, Sweetheart ako na ang bahalang sumagot sa pagpapaaral ng mga kapatid mo. Hindi mo na kailangang mag-overtime. Kaya tuloy parati kang pagod," nakakunot ang noo ni Andy nang sabihin ito sa nobya.

 "And I keep on telling you that I can do it without your help," matigas na sabi ni Jade.

 "Okay, sa ngayon lang iyan. Pero Sweetheart, pagkasal na tayo, dapat stop ka na sa trabaho mo sa hospital, " seryosong sabi ni Andy habang hinihintay mag-go signal sa intersection.

 "No way, Andy! Hindi-hindi ako titigil sa work ko as a nurse," medyo tumaas ang boses ni Jade.

 "What? Paano pag may mga anak na tayo, sa mga yaya na lang ba sila lalaki? Lalong hindi ako papayag sa gusto mo, " madiin na salita ang binitawan nito sa nobya.

 "Umandar na naman ang pagka-diktador mo, Iba na ang panahon ngayon, Andy. Importante sa akin ang trabaho ko lalo na kailangang tumulong ako sa mga kapatid ko."

 "Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang alok ko. Jade, ang dami kong tinutulungan para makapag-aral. I'm giving millions to charities. Why can't I help you? I love you so much, Babe. Let me help you please, " pagsusumamo ni Andy sa girlfriend na naniningkit na ang mga mata sa galit.

 "NO, NO. NO naiintindihan mo ba ang salitang NO," galit na sabi ni Jade.

*****Please follow me on Twitter @gidgetwitty for updates. Thanks. 

My dear readers please vote per chapter if you are happy with it.  To be my fan please go to my profile by clicking my username on the upper rigth side of your computer screen and it will show you the fan gallery, click become my fan below my picture profile.

Thank you,

GIdgetwitty

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon