26th Shot

190K 2.1K 37
                                    

Re-posted!
(12/25/17)


26th Shot:


KATULAD NG MGA nagdaang araw ay ginabi na naman ng uwi si Drae. Lumamig na ang niluto niyang pagkain. Paborito pa naman nito iyon at talagang pinagbutihan niya ang pagluto dahil these past few weeks ay halos puro sa fast food o sa mga restaurant na ito kumakain. Hindi naman sa pamimintas pero iba pa rin naman talaga ang lutong bahay hindi ba? Iyun bang niluto talaga para sa isang espesyal na tao. Kumbaga, made with love.


Napangiti siya sa ka-corny-han na dumadaloy sa isip. Kahit medyo pagod siya dahil sa ilang oras na pagtutok sa computer dahil sa pag aaral ay marami pa rin siyang kung anu-anong naiisip.


Tahimik na itinabi na niya ang mga niluto sa refrigerator. Pasado alas nuebe na rin kasi ng gabi at malamang na hindi na kakain si Drae pag uwi. Pero kung sakali, madali namang iinit ang mga iyon.


Pagkatapos niyang magligpit ay naligo na siya at pagkatapos ay matutulog na pero pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nadatnan niya si Drae na nakadapa sa higaan nila. Mukang pagod na pagod ito dahil hanggang sa makalapit siya ay hindi man lang ito kumikilos.


Lately ay napapansin niyang mas lalo itong ginagabi sa pag uwi at madalas ay nakainom pa. Nagtataka na tuloy siya kung talaga bang trabaho lang ang inaatupag nito. Tulad nalang ngayon, mukang nakainom na naman ito.


Para kasing bumalik sila sa dating sitwasyon nila na uuwi si Drae ng hating gabi na at tulog na sya pagkatapos ay aalis rin ito ng tulog pa siya. Pero ngayon ay mas malala dahil kadalasan ay amoy alak ito although hindi naman lasing.


"Ang tagal mo namang maligo." Nagulat siya ng magsalita ito habang nakadapa at saka siya nilingon. "Papasukin n asana kita sa banyo eh." Saka siya nito nginisihan.


"Lasing ka ba, Drae?"


Sa halip na sumagot ay naupo ito. At tinapik tapik ang kama, urging her to sit next to him.


She did.


Pero bago pa man siya tuluyang makaupo sa tabi nito ay hinapit na siya nit sa bewang kaya sa mismong kandungan nito siya napaupo.


Automatically, she clung on to him and kissed him na tinugon naman nito kaagad. Nalasahan pa niya ang alak sa mga labi nito.


"Drae..."


"Hmmn...?" anitong panay ang halik sa kanya.


"What are you doing?" hindi natiis ay naitanong niya.


Bakit ito palaging lasing at gabi na kung umuwi? Pagkatapos ay ni wala man lang itong sinasabi sa kanya na kahit ano bukod sa kesyo maraming silang ginagawa at may hinahabol na oras pero hindi naman nito dinedetalye kung ano ang mga iyon.


"Kissing you. Missing you terribly."


Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon