17th Shot

216K 2.6K 81
                                    

Re-posted.
(12/03/17)


17th Shot:


ABALANG-ABALA siya sa pagluluto sa kusina. Minamadali nya rin ang bawat kilos dahil baka magising na ang alaga niya. Pangatlong araw na ngayon mula ng iwan sa kanya ni Diane ang bata at mukang wala pa itong balak kunin sa kanya dahil ng tawagan niya ito ay napag-alaman niyang wala pa ito sa bansa. At sa tingin niya ay mukang hindi nito matutupad ang ipinangakong pagbalik pagkatapos ng tatlong araw. Naalala pa niya ang huling pag-uusap nila sa telepono kahapon.


"Hello?" sagot ni Diane sa tawag niya.


"Damn it Diane! Where are you now? And why does she keeps on crying?" tanong niya rito.


Wala kasi ang mom niya at niyaya ng mga ka-amiga nito kaya wala siyang katulong sa pag-aalaga sa bata. Ano ba naman ang alam nya sa pag-aalaga ng bata gayong ni hindi nga nya naranasang mag-alaga ng kapatid dahil nag iisang anak sya kaya natutuliro siya sa tuwing umiiyak si baby Thea.


He heard Diane chuckled on the other line. Napakunot-noo siya. She seems like she's in pain as she chuckled at halatang pilit iyon. Pero binalewala niya iyon. Marahil ay pagod lang ito sa pag-aalaga sa ama.


"Drae, baka naman naiinip lang si Thea. Magpatugtog ka ng nursery rhymes o kaya naman ay ilabas mo ang bata. Just take a walk at baka nabo-bored dyan sa unit mo. Where is she by the way? I thought she was crying?"


Noon niya napansin na tumigil na pala sa pag iyak ang bata. Hinagilap ng mata niya kung nasaan ito para lang mapamura dahil naiwan pala niyang nakabukas ang pinto at malamang na nakalabas na ito ng unit niya.


"I don't know! I'll call you later. B ––"


"What? Wait Drae!"


"What?" naiirita na niyang sabi. Then he heard her swear as if she's in pain or something. "Hey! Are you alright?" hindi niya naiwasang itanong kahit na nagmamadali siya.


"Yeah... I just want to thank you for taking care of her and for bringing her into my life Drae."


Iyon lang at naputol na ang linya. Ipinilig niya ang ulo dahil pakiramdam niya ay may kakaiba kay Diane ngayon pero binalewala na niya iyon at dali-daling lumabas ng unit para hanapin ang bata.


Naabutan niya ito sa harap ng elevator. Mabuti nalang talaga at hindi pa iyon bumubukas dahil kung hindi at may nangyaring masama sa bata ay wala syang ipapalit doon kay Diane. He chuckled at the thought lalo na ng mapansin niya ang ayos niya. Naka sando lang sya at boxer shorts. For Christ sake! Agad niyang binuhat ang bata at dumiretso na sa unit niya ng natatawa sa sarili.


"Two days ka palang sakin pero pakiramdam ko pagod na pagod na 'ko kakahabol sa'yo."

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon