10th Shot: Longest 24 Hours part2

271K 3.2K 68
                                    

LOVERS quarrel eh?” Narinig niyang komento ni Ems.

Nilingon niya ito at huling huli niya ang pagngisi nito sa kanya habang panay ang kain ng mani. Napakunot noo siya dahil kanina pa niya ito napapansin na kain ng kain samantalang hindi naman ito dating ganoon. At wala rin itong kahilig hilig sa mani dahil nakaka-pimples raw iyon.

“Well, sort of at susunduin na raw niya ako ngayon dito.” Nakanguso pa niyang sagot sa kaibigan na napataas lang ang kilay.

“Ano ba naman yan! Alas tres lang ng hapon ah! Aba’y daig pa niya ang school bus sa sobrang aging manundo! Napaka-OA nyong dalawa.”

Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito at hinarap ang mga kapatid na nagkakaingay habang pinapanuod yung alam nyo na. At oo, ganun pa rin ang pinapanuod nila hanggang ngayon. Mga lalaki talaga…

“Hoy! Mga koya, pati ikaw totoy, magbihis nga kayo at pupunta rito ang asawa ni Meg. Ayokong ma-bad shot at kung pwede lang din, magsilayas na kayo.”

Nagsitayuan naman ang mga ito at sabay-sabay na pumasok ng kwarto ng mga nakangisi. Para bang may binabalak pang gawin.

“Ems, kanina ka pa nguya ng nguya nyan, para ka namang naglilihi sa ginagawa mo..” puna niya sa kaibigan na biglang nasamid sa kinakain. Napangiti siya at saka ito ikinuha ng tubig.

“So, sino ang maswerteng lalaki ha?”

Hinampas siya nito sa braso. “Wala akong boyfriend kaya paano ako mabubuntis? Sira-ulo ka talaga kahit kalian.”

“Oo, sira na nga ulo ko at matagal na. Kaya nga nagkaganito kami eh.” napabuntong hininga nalang siya.

Samantala, ilang minuto lang ay dumating na si Drae. Ipinakilala niya si Ems at ang mga kapatid nito at nagulat pa siya ng yayain ito ng mga kapatid ni Emerald na tumuloy muna na pinaunlakan naman nito. Ang idinahilan ng mga ito, despedida raw.

“Despedida? Sino aalis?” bulong niya kay Ems.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon