13th Shot

221K 2.4K 81
                                    

Re-post.
(11/27/17)



She's out of my life. And I don't even know where she'd gone. Napaka-tanga ko! Why did I let her go and walk away like that especially in the middle of the night!?

Halos isang oras na rin siyang palakad lakad pero ni anino ni Meg ay hindi na niya naabutan. Ni hindi niya alam kung saan ito pumunta o kung ano na nangyari rito ng mga sandaling iyon. Gustong-gusto na niyang iuntog ang sarili sa katangahan at kapabayaan niya.

And he'd learned too late that he never even once said how much he loves her and that's why when he did, she can no longer accept it.

Nung makita niya sa unang pagkakataon na tumulo ang mga luha ni Meg, pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya lalo na kapag naiisip niyang siya ang dahilan niyon.

Parang nawala ang lakas niya. Napakarami niyang gustong sabihin pero nung makita niyang umiiyak si Meg, parang nabura na lahat ng mga iyon at nanghina siya. Kaya ng lumabas ito, wala man lang siyang nagawa. Para siyang ipinako sa kinatatayuan niya. He can only watch her walks away from him. And when he finds out how stupid he was from letting her walk away like that, it was already too late. She's already gone.

Bumalik siya ng beach house to get his car key. Pagpasok niya sa bahay, para siyang namamalikmata dahil sa bawat sulok niyon ang naroon ang mga alaala ng mga nangyari sa kanila ng mga nagdaang araw; how she made him so happy, her every laughs that echoed in every part of the room.

Napapikit nalang siya as memories of her floods in his mind.

He clenched his fists at dali-dali ng lumabas ng bahay. Isa lang ang alam niyang pwedeng puntahan ni Meg maliban sa kapatid nito at doon niya ito pupuntahan. Sa kaibigan nitong si Emerald.

Kahit medyo nahihilo pa sya dahil sa nainom na alak at dahil sa wala pa siyang tulog ay hindi pa rin siya nag abalang tumigil sa pagda-drive because he was still hoping na aabutan niya roon si Meg at habang maaga, gusto niyang makapagpaliwanag rito ng maayos. Ayaw na niyang malaman pa ng barkada lalo na ng kapatid nito ang nangyari because he knows that when he finds out, if Terence finds it out, he can no longer have Meg. And he can't afford to lose her. Not now that he was deeply in love with her.

Binagalan pa niya ng kaunti ang speed niya dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan at dahil na rin sa makapal na hamog na bumabalot sa daan. Gusto man niyang magmadali ay hindi niya magawa.

He was about to turned on the radio of his car para sana makibalita kung may bagyo ba when someone made a sharp U-turn. It wasn't a u-turn slot kaya hindi talaga niya inaasahang may mag u-u-turn sa bahaging iyon ng kalasada bukod pa sa medyo makipot sa bahaging iyon.

"Fvck!" he cursed sabay kabig ng manibela paiwas sa kasalubong niyang sasakyan. But worse comes to worse dahil sa pag iwas niya ay hindi niya napansin ang isa pang sasakyan!

Pagkatapos ng nakakabinging ingay na mula sa mga nagbanggang metal at mula sa busina ng mga sasakyan ay ang pagsigid ng sakit sa tagiliran niya.

"Meg..." was the last word he manages to utter before everything went black on him.


"YOU'RE PREGNANT? As in buntis ka talaga?" tanong niya sa kaibigan habang nasa byahe sila patungong California, USA.

Napagpasyahan niyang sumama na muna rito at magbakasyon to ment her broken heart at para na rin makapag isip. She doesn't have a plan on running forever, gusto lang talaga niya munang makapag isip ng mabuti bago niya balikan ang problema. They still have a lot to talk about pero ngayon, masakit pa sa kanya ang katotohanang kahit minsan ay hindi naman pala siya naging Mrs. Andrae Knudsen.

"Meg, unli ka ba? Sinabi na ngang oo eh." natatawang sagot naman ni Ems.

Kanina ay napansin niya kasi na parang nag-go-glow ito at medyo tumaba and it's unsual for her to get fat at nang tanungin nga niya ang kaibigan kung ano ang sekreto nito at napaka-blooming nito ngayon ay hindi na nito itinanggi ang sitwasyon nito.

"Ilang buwan na yan? Sinong tatay?" excited pa niyang tanong. "At saka yan ba ang dahilan kung bakit bigla kang babalik ng California? Alam ba iyan ng mga kapatid mo?"

"Easy Meg." Natatawang sagot nito. "Saka ko na sasagutin ang mga tanong mo but for now, I'm already 8 weeks pregnant."

Nagpatuloy sila sa kwentuhan at hindi naman na niya ito kinulit sa mga bagay na ayaw pa nitong pag usapan dahil tulad niya ay hindi rin naman siya nito tinanong kung ano ang problema niya. Ganoon lang sila palagi ni Ems, nagsasabihan lang sila ng mga problema kung kaylan kaya na nilang mag open up sa isa't isa.


MEANWHILE...

"Sh*t! Where's my sister? Hindi ba at sila ang magkasama? Damn it! Search everywhere!" utos niya sa mga tauhan.

Siya ang pinakamalapit na officer sa pinangyarihan ng aksidente kaya nang ibalita sa kanya ang nangyari ay agad siyang bumalik. Kasama pa niya sa sasakyan ang kambal and it is really a good thing na hindi niya pinalipat ang mga ito sa sasakyan ni Irving kung saan naroon naman si Art.

Nagulat pa siya ng makilala ang isa sa mga sasakyan na sangkot sa aksidenteng iyon. It was Drae's car at binundol ng kaba ang dibdib niya sa pag aakalang naroon din ang kapatid pero ilang minuto na niyang ipinasusuyod ang paligid ay wala pa rin silang nakikita ni anino o bakas man lang ni Meg. It seems like she wasn't with him.

Mabuti nalang talaga at kasama pa niya ang kambal lalo na si Clyde na agad sinuri ang mga taong sangkot sa aksidente. Bawat driver ng tatlong sasakyan ay heavily injured habang ang dalawa ay gasgas lang.

"Where is that damn ambulance!?" narinig niyang bulalas ni Clyde na ng mga oras na iyon ay nakabantay kay Drae. Hindi sa may pinapaboran ito, kundi dahil si Drae nalang ang hindi pa binabalikan ng malay. Marahil ay dahil sa sugat nito sa noo.

"Sh*t! Kapag hindi pa dumating ang ambulansyang iyan ay mauubusan ng dugo ang mga taong 'to!"

"Will you shut up and just do something, Clyde? You're a doctor for Pete's sake! Hindi ka dapat nagkakaganyan."

"I'm a pedia –– "

Bago pa man matapos ni Clyde ang sinasabi ay dumating na ang ambulansya na magdadala sa mga ito sa pinakamalapit na ospital sa lugar na iyon. Nagpaiwan na siya sa pinangyarihan to supervice his team mates and to secure the place for investigation.


BAGO PA MAN tuluyang magliwanag ay inilipat na nila si Drae sa St. Luke's Medical Center dahil walang sapat na kagamitan ang ospital roon para sa kaso ni Drae. Nagkaroon kasi ito ng broken ribs at na-dislocate ang kaliwang braso. Isa pa ay kailangang matingnan kaagad ang ulo nito na hindi pa nila makumpirma kung saan tumama dahil sa mahabang putok roon.

Naging madali naman ang paglilipat kay Drae sa tulong ni Irving na isang licenced pilot na siyang nagdala kay Drae sa St. Luke's.

At tulad ng inaasahan, nang mag umaga ay laman ng balita ang nangyaring iyon.

Stable na si Drae although hindi pa rin ito nagkakamalay at kailangan pang obserbahan. Hindi nila maiwasang mapailing na magkakaibigan ng mabasa nila ang caption sa balita.

"One of the youngest Business Man and an Engineer himself, Andrae Knudsen got into a car accident and now is in a critical condition."

Napailing nalang si Terence. Ngayon ang nasa isip niya ay kung bakit hindi nito kasama ang kapatid niya? Bakit sinagupa ni Drae ang malakas na ulan sa ganoong oras? Nasaan si Meg? Bakit hindi ito ma-contact?



MsSongsari23

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon