6th Shot: If truth be told...

274K 3.4K 49
                                    

NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ng kuya Terence niya sa kanilang dalawa ni Andrae. Pati na rin ang kambal na sina Dwight at Clyde ay nabura ang ngiti sa mga labi nang sa pagbukas ni Andrae ng pinto ay pareho kaming nasa loob ng kwarto. Samantalang si Irving naman ay kalmado lang sa tabi ng kuya niya. At kung hindi sa kakalmahang nakikita niya kay Andrae ay baka nanginig na siya sa takot sa kapatid. His brother looks like he was ready to kill anyone with his bare hands.

Bago pa may nakabawi sa pagkabigla ay nasugod na ng kuya niya si Andrae. Dalawang suntok ang pinakawalan nito na tumama sa panga ni Andrae bago ito naawat ng mga kaibigan.

"Kaunting lamig, pare," awat ni Irving na kaagad nadaluhan si Andrae.

Habang sina Clyde at Dwight naman ang pumupigil sa kuya niya na talagang susugurin pa uli si Andrae at si Art, na noon nya lamang napansin ang siyang nakapagitna sa mga ito.

"Paano ako -- " natigil ito sa pagsasalita ng makita siya na dinaluhan si Andrae.

"Kuya, please..." nanginginig ang boses niya.

Kilala niya ang kapatid higit sa lahat. Mabuti itong tao pero masama itong magalit at hindi pa niya ito nakitang ganoon kagalit kaya talagang natatakot siya. Baka kung ano ang magawa nito kay Andrae! And she perfectly know what his brother is capable of. Sa uri ng trabahong mayroon ito, kung hindi ito magpapakahinahon ay hindi ito mapipigilan ng apat na tao lang.

Lalong kumunot ang noo nito nang mapadako ang mga mata nito sa leeg at puno ng dibdib niya na nakalantad sa suot niyang dress.

Holy sh*t!

Nanlumo siya nang maalala ang mga kiss marks na naroroon. Parang gusto niyang umiyak lalo na ng makita ang panlulumo sa mga mata ng kapatid na nag alaga sa kanya since their parents died seventeen years ago.

"Binibigyan kita ng dalawang minuto para magpaliwanag, Andrae!" parang kulog na dumadagundong ang boses ng kuya niya sa buong condo unit ni Andrae.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pait na nasa mga mata nito. At hindi niya ito masisisi. She got her brother disappointed.

"Pinagkatiwalaan kita! At anong isinukli mo? You f*cked my sister! Damn you!" muling sigaw nito kay Andrae. Isinuklay nito sa buhok ang mga daliri at tila nanghihinang umupo sa sofa na naroroon. Nakamasid lang sa kanilang tatlo ang ibang barkada. Walang gustong magsalita pero alerto ang mga ito.

"K-Kuya... It's not like that. Don't say words that was so harsh. It's not like you, Kuya." tuluyan ng pumataka ang mga luha na kanina paniya pinipigilan. There was a mixture of anger, disappointment and cunfussion in her brother's voice. At gusto niya itong yakapin.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon