20th Shot

223K 2.5K 41
                                    


A/N: Ibabalik ko po ito hanggang epilogue. Hintayin nyo lang. Wag na kayo magalit at baka hindi ko ituloy. Kidding! Wait lang kayo. Walang connection madalas dito sa dorm, eh. Again, this is the unedited version. Wrong grammar and misspelled words are everywhere. Paulit-ulit nalang kasi akong nakakabasa ng pamumuna. Ito yung una kong story na nabuo kaya very special sa akin 'to. And, inaantok na ko so goodnight na po. :)

Re-posted!
(12/08/17)


20th Shot:

ISA ISA niyang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig ng hotel suite ni Drae. Basa pa rin ang mga iyon kahit alas onse na ng umaga. Nilingon niya si Drae na magpahanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog sa kama. Pinagmasdan niya itong mabuti. Bansang ibaba lang ng katawan nito ang natatakpan ng putting kumot and she knows that behind those blanket, he's wearing nothing.

Uminit ang mukha niya sa sariling naisip kaya sa halip na doon ituon ang pansin ay ang mukha nalang nito ang tinitigan niya. Pero nahagip pa rin ng mga mata niya ang flat nitong tiyan na may six pack abs. Lahat naman silang magkakaibigan ay mayroon noon pero bakit ang kay Drae lang ang pinakamasarap titigan? Napakapula din ng lips ni Drae, daig pa ang sa babae kaya hindi na sya magtataka kung bakit sa tuwing hahalikan siya nito ay hindi siya makatangi-tanggi.

Sa pagdako ng mga mata niya sa mata nito ay nagtama ang mga paningin nila. Gising na pala ito at medyo namumungay pa ang mga mata habang naktitig sa kanya.

Nginitian niya ito. "Good morning."

"'morning." Sagot nito na bahagyang tinapik ang kama at pinapabalik siya. Umiling siya habang nakangiti. Alam niya, kapag bumalik siya roon ay baka hindi na sila makapag almusal ng tamang pagkain because the moment he touched her, para siyang gasolina at ito naman ang posporo. They make fire out of a single touch.

"No Drae..." napatili pa siya at bahagyang nag iwas ng tingin ng bigla itong tumayo at ni hindi man lang nag abalang takpan ang kahubdan nito.

"Drae you're naked!" tili niya and he just chuckled and embrace her from behind pagkatapos ay dinampian siya nito ng halik sa pisngi.

"Who cares? Nakita mo naman na 'to lahat. Don't tell me na nahihiya ka pa?" anito at naramdaman nalang niya ang isang kamay nitong pumaloob sa roba niya, cupping one of her breast.

Napaungol siya kasabay ng pagpikit. Naramdaman rin niya na kinakalas na nito sa pagkakabuhol ang tali ng roba niya. Pinigilan niya ang kamay nito. Hindi pwede ang palagi nalang ganito. Dapat ay matuto silang magpigil lalo na ngayon na buntis na siya.

"Are you going to stop me?" bulong pa nito sa nang-aakit na tono. Lalo siyang napapikit. Ang hirap naman ng ganito. Paano nalang kapag malaki na ang tiyan niya? Ang hirap talaga lalo na at nasasamyo niya ang natural na amoy ni Drae. Lalaking lalaki at nakaka-adik iyon.

Bigla siyang napadilat ng maramdaman ang matigas na bagay na iyon sa likuran niya.

Oh my! He's already aroused!

Hinarap niya si Drae at hinawakan sa mukha. "Mister, baka naman po pwedeng pakainin muna natin si baby? Aba, hindi naman pwedeng ikaw lang ang pakakainin ko parati. Paano nalang ang anak mo?" kinunsensya niya ito. ang totoo kasi ay talagang nagugutom na siya. Pakiramdam niya nitong mga huling araw ay hindi siya aabot ng alas dose ng tanghali kung hindi siya mag aalmusal. Laking pasalamat nga niya at wala siyang morning sickness maliban sa nagigising siya ng maaga dahil sa gutom.

Sumibangot ito at hinapit siya sa bewang. Nagkadikit ang mga katawan nila dahil sa ginawa nito at ramdam na ramdam na niya ngayon ang bagay na iyon sa tapat ng tiyan niya. He was hard, really hard. A hot sensation run down her spine dahil doon pero talagang nananaig ang gutom niya ng mga oras na iyon.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon