2nd Shot : The Past

349K 4.1K 122
                                    

2 Years Ago

Malakas ang ulan subalit hindi nito kayang pigilin ang magaganap na pag-iisang dibdib nila Andrae Knudsen at ng napakaganda nitong mapapangasawa na si Amber.

Kompleto ang buong barkada maliban kay Clyde na hindi nila alam kung bakit ilang buwan ng hindi nagpapakita sa kanila hanggang sa mga araw na iyon. Kahit ang kakambal nitong si Dwight ay wala ring sinasabi tungkol sa kapatid. At ang mga ito na rin ang nagsilbing abay ng binata habang siya naman ay isa sa mga abay na babae.

Hindi lingid sa lahat na ang kasalang magaganap ay dahil lamang sa kasunduan ng mga magulang ng dalawa. Kung paano pumayag si Andrae na maging sunud-sunuran ay ito lamang ang nakakaalam.

And she was hurt by the thought that he is going to tie the knot. Because she can see that Andrae was not that happy. Walang ning ning ang magaganda nitong mga mata na sana ay naroroon dahil ikakasal na ito.

She look at the bride. She was so beautiful in her off shoulder wedding dress na napapalamutian ng maliliit na Swarovski crystals ang tapat ng dibdib. At bukod doon ay wala ng ibang disenyo ang gown nito kaya lalong na-emphasize ang natural na ganda ni Amber. Mukha itong manika.

Nagsikip ang dibdib niya. Nainsecure siyang bigla.

"Kung pwede lang Drae, sa akin ka nalang." Piping usal niya habang pinapanuod ang binata na nasa harap ng altar at hinihintay ang bride.

Napakagwapo nito sa suot na three piece suit. Para itong prinsipe sa paningin niya na hinihintay ang pagdating ng prinsesa nito.

Iyon nga lang, hindi tulad sa fairy tale na palaging may happy ending sa dulo ang mga nangyayari.

Dahil sa kalagitnaan ng misa, may isang lalaki ang bigla na lamang tumutol sa kasalang nagaganap. Basang-basa ito ng ulan at humihingal pero kahit na ganoon ay mapapansin pa rin kung gaano kagandang lalaki ito.

"Clyde..." banggit niya sa pangalan ng bagong dating. Halos lahat ng mata ay nakatitig dito habang lumalakad ito papunta sa harap ng altar kung nasaan ang ikinakasal.

"Walang kasalang magaganap." Wika ni Clyde sabay hawak sa kamay ni Amber na ng mga oras na iyon ay umiiyak na.

Nagkaroon ng bulung bulungan sa loob ng simbahan. Lahat ay nag react.

"Drae," baling nito sa kaibigan. "I'm sorry for not telling you but Amber and I... We're already engaged even before she met you, or let's say, bago pa man kayo ipagkasundo."

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon