11th Shot: Usapang "Pikot"

262K 2.7K 48
                                    

NAALIMPUNGATAN si Meg ng maramdaman niyang yakap siya ni Drae at hinahalik-halikan sa paligid ng kanyang mukha.

“Wake up sleepy head.”

Ilang araw na rin itong hindi pumapasok sa opisina at ganoon lang sila tuwing umaga. Palagi na ay ginigising siya nito ng mga yakap at halik nito plus breakfast in bed na pinagsasaluhan nilang dalawa.

She opens one of her eyes but closed it again as Drae kissed her forehead down to her nose and to her lips. Pagkatapos ng halik na iyon ay tuluyan na siyang gumising dahil kung hindi pa niya iyon gagawin ay baka kung saan na naman sila humantong na dalawa tulad nalang ng nangyari ng mga nagdaang araw. Yes, they made love countless of times and she never regretted any of it. What for? Asawa naman niya ito and she felt secured in his arms. Nabinyagan na nga rin yata nila ang bawat sulok ng beach house nito and she thinks that it’s high time na bigyan naman nila ng katahimikan ang buong bahay… pansamantala.

“Ang akala ko hindi ka pa rin gigising eh. Here!” at iniabot nito sa kanya ang isang pink tulip. “Good morning babe.”

“'morning.” Saka niya ito nginitian at dinampian ng halik sa sulok ng lips nito.

“You teased.” He said as he pinched her nose.

Palagi silang ganoon sa umaga; pagkagising niya ay may nakahanda ng almusal and a piece of flower na sa bawat araw ay magkakaiba ng klase. Tulad nalang ngayon na isang pink tulip ang ibinigay nito sa kanya.

Napangiti siya. Alam kasi ni Drae na pink ang favorite color niya kaya puro pink ang ibinibigay nitong bulaklak sa kanya.

And yes, they’re in his beach house for almost a week now. Dahil kinaumagahan matapos ang eksena sa opisina at unit ni Ems ay nag usap sila. Drae opened up the topic about her annulment request. Hiniling nito sa kanyang na huwag na niyang i-push pa ang ideyang iyon. At dahil naa-amuse siya sa nakikitang pagpapalit-palit ng ekspresyon nito ay hindi siya kumibo o nag react man lang habang nagsasalita ito. And maybe he was that desperate that he even pinned her on the wall so that he can get any reaction from her.

Nagtagumpay naman ito although she just gasps at his sudden action and she was fully aware how close they are from each other.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon