23rd Shot

192K 2.2K 67
                                    

Re-posted!
(12/16/17)


23rd Shot:


HINDI SIYA MAPAKALI habang hinihintay ang resulta ng ginawang pagsusuri ng mga doctor sa nangyari kay Meg. Hindi rin niya alm kung bakit iyon nangyari. At hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Meg dahil kaninang pagdating nila sa ospital ay nag-histerical ito at kinailangan pang turukan ng pampatulog para ma-relax ang buong katawan at para na rin masuring mabuti.


"What happened?"


Napaunat siya ng upo mula sa pagkakayukyok sa gilid ng kama ni Meg. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Terence dahil kahit siya ay wala rin namang alam.


"I'm asking you Drae, what happened to my sister?" tanong ni Terence sa kanya at nilapitan ang kapatid at hinaplos ang mukha.


"I don't exactly know. Hindi pa bumabalik yung doctor na sumuri sa kanya." Sagot niya.


"Damn it Drae! Magkwento ka! How's it happened? Nasaan ba kayo kanina at anong ginagawa ninyo?"


"We were just having a lunch with Diane ––"


"Your ex?" putol nito sa sinasabi niya.


Tumango siya. "Thea's mother."


"Did she do something?"


"No Terence. Diane did nothing to Meg. But after our meal, Meg excused herself, pupunta lang daw syang powder room. And then, siguro pabalik na sya sa amin when it happened."


"What happened?"


"I told you I didn't know yet. I just heard her shout my name at ilang hakbang mula sa lamesang inookupa naming, nakita ko syang nakaupo sa sahig at namumutla. She was horrified. Then I saw the blood in both of her legs. When I carried her in my arms, she collapsed."


"Drae..."


Sabay silang napalingon ni Terence kay Meg ng magkamalay ito.


"Kuya..."


"Meg, are you alright? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Terence.


"Wala pero nanghihina ako. Drae..." baling nito sa kanya. "our baby... okay lang naman sya hindi ba? It's still here with me, right?"


Nagkatinginan sila ni Terence sa tanong na iyon ni Meg. Pareho nilang hindi alam ang isasagot.


"Drae... Kuya..." untag ni Meg sa kanila habang nakakunot ang noo.


Bago pa sila makasagot ay kumatok at pumasok ang isang doctor sa kwarto ni Meg. Walang nagsasalita sa kanilang tatlo at hinihintay lang nila ang anumang sasabihin ng doctor.


He looks at Meg and held her hand habang si Terence at nasa paanan lang ni Meg at nakatingin sa doctor.


"Ms. Monroe?" Tumango si Meg. "I'm sorry to tell you this but you've lost your baby." Malumanay at propesyunal na pahayag ng doctor.


Parang bomba iyong sumabog sa pandinig niya. Ni hindi niya nakuhang tumingin kay Meg. Sa halip ay napaupo siyang bigla sa upuan sa tabi ng higaan ni Meg. Nanlambot ang mga tuhod niya at napayuko siya.


Meg pulled her hand from him at napahagulgol ito ng iyak. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Meg, kung paano niya ito kokonsolahin that everything will going to be okay dahil hindi naman talaga okay ang mga nangyari. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin, kung anong dapat gawin. All of a sudden and for the first time in his life, he felt numb and empty.


Nanlabo ang paningin niya kasabay ng pagpatak ng ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. Hindi na siya nag abala pang pahirin o pigilan man lamang iyon. Basta hinayaan lang niyang pumatak ng pumatak. He just lost his and Meg's child and it's worth his tears.


May ilang minuto rin siyang nanatiling nakayuko. Pati ang paghikbi ni Meg ay dumudurog sa puso niya dahil alam niya, higit sa lahat, ito ang pinakanasasaktan ng mga sandaling iyon.


Nang mag angat siya ng tingin at nakalma na niya ang sarili ay yakap pa rin ni Terence si Meg. Wala rin itong sinasabing kahit ano at basta lang yakap yakap ang kapatid habang marahang hinahaplos ang buhok.


Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpaalam na rin si Terence pagkatapos makatanggap ng tawag.


"I'm sorry." Halos sabay at pabulong nilang bigkas ni Meg ng silang dalawa nalang ang nasa kwarto.


Naupo siya sa tabi nito at kinabig ito palapit sa kanya. Yumakap lang si Meg sa kanya kasabay ng muling marahang pag iyak nito.


"Ssh... babe, tahan na." aniya habang hinahalik halikan ito sa buhok. How is he going to console her? He doesn't know. Ang alam lang niya, pareho silang nasasaktan sa mga sandaling iyon.


"I just lost our baby, Drae." Anito sa basag na tinig. "And I'm sorry. I was careless."


"It's not your fault." Saka niya ito niyakap ng mahigpit. "It's no one's fault. Maybe... maybe it's not yet the right time for us to have a baby."


"Pero kaylan ba ang tamang oras, Drae? Our baby was almost three months old and yet..." Hindi na naituloy ni Meg ang sinasabi dahil pumiyok na ito at muling napaiyak.


"Stop crying Meg. We lost it but that doesn't mean na kakalimutan na natin siya. We are going to kept him in our hearts, Meg." Aniya habang itinuturo ang sariling dibdib.


Tiningala siya ni Meg habang tumatango.


He wipes her tears away and kissed her forehead. "And we still have forever to spend our life with and have our own kids again."


Bahagyang ngumiti si Meg. "Yes. I love you, Drae. I almost forgot that I still have you. And you are right, we still have forever. Siguro nga ay ipinahiram lang siya sa atin saglit to keep us stronger and even though losing our baby hurts so much that I felt that half of me died, I'm sure that everyrhings going to be alright as long as we're together."




MsSongsari23

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon