16th Shot

227K 2.5K 79
                                    

Re-posted.
(12/03/17)


16th Shot:


ON THE OTHER HAND...


Nagising siya sa amoy ng nililito ni Ems kaya bumangon na kaagad siya para tulungan ito. Ang bango-bango ng niluluto nito na sa hula niya ay sinangag na naraming bawang. Ah! How she hate it! Pero ang bango lang talaga.


"Good morning." Bati niya rito.


"Hep! Naglilihi ako kaya wag na wag mong sasabihing kadiri at ang baho-baho ng bawang kundi itatapon kita sa Pinas! Anyway, good morning din. Nagising ba kita?"


Umiling siya na tatawa-tawa. Ayaw na ayaw kasi niya ang bawang pero ngayon, parang ambango-bango sa pang amoy niya iyon. Lahat talaga nagbabago sa paglipas ng panahon.


Pati ang dating gising niys ng 7 am ay ngayon ay naging 10 am na. nahawa na siya sa kasama niyang buntis. Pakiramdam niya tuloy ay tumataba na rin sya. But she doesn't care. Ang sarap kayang kumain lalo na at ang kasama mong buntis ay malakas ring kumain. Iyon nga lang, hindi tumataba si Ems. Kumbaga, sakto lang ang katawan nito kahit na buntis. Kung hindi lang halata ang umbok ng tiyan ni Ems, baka kapag pinagtabi sila ay siya pa ang mapagkamalang buntis. She smiled at the thought. Sana kapag nagbuntis siya ay wala rin siyang morning sickness na tulad nito.


"Sya nga pala, naikwento ko na sa'yo kung bakit ako sumama sa'yo rito," aniya habang kumakain sila. "Ikaw, wala ka bang balak mag kwento kung paano nabuo iyan?" tukoy niya sa ipinagbubuntis nito.


"Iyon lang ba? Nakipag-sex ako. Period. O baka gusto mo pang i-elaborate ko pa?" tumango siya. "Well, una, tinanggal nya yung blouse ko, then yung skirt ko at –– ouch! Bakit mo ko binira?"


"Sira! Syempre alam ko na yan. Ginawa na rin namin yan ni Drae no! Sa kama, sa sahig, sa sofa..." saka siya bumunghalit ng tawa. Pero hindi si Ems dahil nanatili lang itong nakatingin sa kanya.


"You miss him. You should go back to the Philippines, Meg."


Napatitig siya rito. Nakatitig lang din ito sa kanya. Ganoon na ba sya ka-transparent na pati ang pagtawa niya ay alam nitong hindi totoo? Dapat na nga ba siyang bumalik sa Pilipinas and face everyone especially him?


Sabay pa silang napalingon ni Ems sa pinto ng may kumatok roon. It must be her brother. Wala namang ibang nakaka-alam na naroon sila maliban dito at sa mommy ni Drae na aksidente nilang nakita noong nakaraang araw.


"Come in!" sigaw niya Ems.


"Naka-lock pa yun Ems."


"Buksan mo, kuya mo naman iyong na sa labas eh."


"Ikaw na, pinto mo yan eh. Saka para matagtag ka naman. Lagi kang naka-upo."


"Di naman ako mataba. Ikaw, namimilog ka na kaya ikaw na magbukas." Anito sa kanya.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon