21st Shot

216K 2.3K 38
                                    

Re-posted!
(12/16/17)


21st Shot:


KINAKABAHAN SIYA habang nasa elevator at buhat-buhat si Thea. Hindi kasi alam ni Drae na dadalhin niya ang bata sa office at kaysa iwan ito sa kinuha nilang pansamantalang yaya nito habang wala si Diane ay dinala nalang niya ang bata sa opisina. May usapan kasi silang sabay kakain ng lunch pero hindi niya nabanggit na isasama niya ang anak nito. Well, wala naman sigurong masama since anak naman nito ang bata.


Mahigit dalawang linggo na rin ay Drae ang anak nito. And it's not that it bothers her na naroon ang anak nito sa ibang babae. Una sa lahat, wala namang ginawang masama ang bata kaya bakit niya kakainisan hindi ba? Oo nga at anak ito ng taong mahal niya sa ibang babae pero kahit na ganoon ay siya pa rin naman ang pinili ni Drae at ipinaglaban hanggang sa huli hindi ba? At isa pa, ang cute cute kaya ni Thea. Parang combination ng mommy ni Drae at ni Drae mismo.


Ilang beses na rin nilang sinusubukang kontakin si Diane dahil hindi man lang nito tinatawagan ang anak pero laging out of reach ito. Kadalasan ay nagpapadala lang ng text messages na nagsasabing alagaan muna nila si Thea dahil may importante itong inaasikaso. O di kaya naman ay sinasabi lang na hindi pa ito makakauwi ng ilang araw.


Pero tama bang unahin ang ibang bagay kaysa sa sariling anak? Mali naman yata iyon.


"Hi Miss Meg, good morning! Ang cute naman ng kasama mo." Bati sa kanya ni Ms. Clemente, ang echoserang receptionist na may gusto kay Drae. Feeling close na ito sa kanya mula nung batiin niya ito. Madalas na rin kasi siya sa office ni Drae para mangulit. Mabait naman sa kung mabait si Ms. Clemente, reliable din ito. yun nga lang ay talagang FC kung magsalita.


Nginitian nya lang ito. "Nasa loob si Drae?" aniya at tumango lang ito sa kanya bilang sagot habang nakatingin pa rin sa akay akay niyang si Thea. "Thanks!" aniya at dumiretso na sa loob ng office ni Drae.


Kinabukasan lang din ng engagement nila ay naging laman na ito ng pahayagan. Hindi nila inaasahan na may makakasingit na media sa engagement nilang iyon dahil biglaan lang naman talaga ang nangyari kaya talagang nagulat silang lahat ng makita ang mga pahayagan kinabukasan. At sa kanilang lahat, si Dwight at Clyde ang may pinakamaraming kuha. Marahil ay ang isa talaga sa kambal ang puntirya ng mga paparazzi at nagkataon lang na nagkasama-sama sa iisang okasyon ang sinasabi nilang 'Hottest Bachelors with Deliriously Handsome faces and Sexy Body to match with their bulging bank accounts' which is ang kuya niya, si Art, Clyde, Dwight, Irving at syempre si Drae.


Kaya nga hindi na siya nagtataka na halos lahat ng empleyado sa bawat building nila Drae at ng kuya niya pati na rin sa company ng ibang barkada ay kilala siya.


Hindi na sya nag abalang kumatok pagdating sa harap ng opisina ni Drae at basta nalang siya pumasok habang karga pa rin si Thea.


"Hi Daddy!" bati niya kay Drae na abala sa pagpirma ng mga papeles.


"Meg! Thea!" anito na halatang nagulat pagkakita sa bata.


Ibinaba niya si Thea at hinayaan itong maunang maglakad papunta sa ama. Agad naman itong kinarga ni Drae at hinalikan. Napangiti siya. Sanay na sanay na itong mag alaga ng bata.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon