[89] - She's Leaving

17.5K 163 17
                                    

This is the 2nd to the last chapter guys. Isang chapter na at magwawakas na ang kwentong ito. Yung comment ni prOviE na sa pagkahaba-haba, bitin daw kung 2 chapters na lang talaga ang matitira. Well, ganun talaga ang plano ko. Kaya abangan nyo na lang. :) 

=======================================================

CHAPTER 89

She's Leaving

"D-daddy." nakaramdam ako ng may nakahawak sa kamay ko. 

"Shhh. Don't wake up daddy, Jeremy." sabi naman ng isang boses. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Noong una, malabo pa ang paningin ko hanggang sa lumiwanag na. Unang tumambad sa akin ang mukha ng isang babaeng halos mangiyak-ngiyak na. 

Si Jeremy? Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa aking tabi. Si Megan? Paanong nakapasok ang dalawang ito sa condo ko? 

"What are you two doing here? How did you get in?" tanong ko sa kanilang pilit bumabangon. Shit, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pinigilan ako ni Megan sa pagbangon ko. 

"Hindi na mahalaga kung paano, RJ. Ang importante ay gumaling ka. Sobrang taas ng lagnat mo kanina pa." paliwanag niya sa akin. Damnit! I don't f*cking care if I am sick. Hindi ako pwedeng magkasakit, kailangan ko pang hanapin si Georgina. Bumangon ako ulit pero pinigilan na naman nya ako.

"Ano ba, Meg! Pabayaan mo ako!" sigaw ko sa kanya. Biglang tumakbo si Jeremy sa bisig ng kanyang ina. At yumakap dito. 

"You're frightening him, RJ!" saway niya sa akin. Takot ang ang mukha ni Jeremy. Kulang na lang halos ay umiyak na siya. Minasahe ko na lang ang sintido at saka kinalma ang aking sarili. Akala ko ba na-admit siya sa hospital? Bakit ngayon nandito na ang batang ito? "Despite of not paying him a visit yesterday when he was admitted at the hospital, he still wants to see you." 

Napatingin ako kay Jeremy na ngayon ay ang lalim ng titig sa akin. At nabaling naman ang aking titig sa may kamay niyang...may bulak at tape na nakadikit. Na-dextrose ba siya? Ibig sabihin hindi nagsisinungaling si Megan. Para makasigurado ay kinuha ko ang kamay ni Jeremy at tinanggal ang bulak na nakadikit, pagkita ko, may kaunting dugo na nakadikit sa bulak at may maliit na turok. Hindi nagsisinungaling si Megan. Totoo nga talaga.

Ang totoo niyan, hindi ko binisita ang bata nung tumawag siya sa akin. Ang naging sanhi lang talaga ng pagka-late ko sa party ni Gina ay ang traffic. Hindi nausad ang mga sasakyan. Kaya kung inaakalang pinili ko sila over kay Georgina, nagkakamali kayo. Si Georgina pa rin ang pinili ko sa huli. 

"I prepared lunch. Tara na." yaya niya sa akin. Wala akong ganang kumain pero hindi ko alam kung bakit tumayo at sumama ako sa kanila sa kusina. 

--o--

Masyadong mahaba ang biyahe namin ni Luis. It took us almost 3 hours before we arrived in this place. What place? It's a villa near the seaside. I didn't effin' ask him kung sino ang may-ari ng lugar na ito. Nalaman ko na lang noong...binuksan niya bahay gamit ang kanyang susi.

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon