[66] - His Secretary

18K 138 17
                                    

CHAPTER 66

His Secretary

Tangina. Naiinis ako kay mom! Hindi man lang kumatok. Now what? Alam kong may naiisip na yun na kakaiba. Sigurado ako mamaya, pagkaalis nila Gina, kakantiyawan ako nun. And worse, baka pilitin pa ako nun umamin. Pero kakasabi nga lang ni Georgina, huwag daw muna namin papaalam. Kingina, whatever happens hinding-hindi ko sasabihin. Let her think what she wants to think. I'll keep my mouth shut for the meantime.

We left my room and headed downstairs. Pagbaba namin, narinig kong nagtatawanan sila ni Tito Rodrigo. Pagkakita nila sa amin ni Gina na bumaba, may kakaibang tingin na sila. Don't tell me sinabi nya yun kay Tito? F*ck. Wag naman sana!

"Let's go, Gina." yaya ni tito. Uuwi na ata sila. 

Sabi ko nga. Nakita ko ng papalabas sila mommy. Si Gina, wala na sa tabi ko kundi nasa tabi na ni mommy. At si tito Rodrigo? Ito hinintay pa talaga akong makasabay nya sa paglalakad. 

"Rafael..."--inakbayan ako ni Tito--"Take care of Georgina, ok?" ah, shit. Alam na. Nginitian ko na ang si tito. ALAM NA talaga. 

"I trust you, young man." dagdag pa nito. Kahit di naman sabihin ni tito, aalagaan ko naman si Georgina. I'll take good care of her. Like what I've said, I'm never letting go of this woman. The woman who changed RJ Gonzales. 

--o--

SHIT! Sinabayan ako ni tita sa paglalakad. Sobrang nahihiya ako sa kanya. Wala talaga akong mukhang maiharap. Nakakailang!

"Chin up, Gina. There's nothing to be shy of my dear." sabi nito. I bit my lip na hindi ko pinapahalata. Pati to si Kristel, takang taka na ang itsura. Sinabi kaya ni tita? Jusko po naman. Wag sana. 

"I-I'm sorry, tita." pagpapaumanhin ko. Tama bang nagsorry ako sa kanya? Eh sa gusto ko eh. Parang ang laki ata ng kasalanan ko. Kasi naman to si RJ! I was right. Tama ang instincts ko. Hindi kasi nakinig. Ayan buking na! 

"Don't be sorry, hija. Actually, I am happy." hinawakan nya ako sa mga kamay ko. Talaga? Masaya sya? Hindi ba sya galit or something kasi may kung anu-ano kaming ginagawa ng anak nya sa bahay nila?

"Whatever is going on, I have no objections. Besides, I want you to be my daughter-in-law." Ngek?! Seriously, tita? Nasurprise naman ako sa sinabi nya. Daughter-in-law agad. I knew it, alam na.

Hindi na lang ako nakasagot. Wala na ako masabi. Ngumiti na lang ako kay tita.

We bid them good bye. Nung umandar na ang limo namin, I saw RJ winked at me before I close the window. Tae, kinilig naman ako dito. Ang gwapo nya talaga. Mas lalo akong naiinlove ngayong kami na. OFFICIALLY. 

"Keep it up, Georgina." napatingin ako kay daddy nung sinabi nya yan. Aba, nakangisi pa. Mukhang may alam sya ah? Oh well, hindi nila malalaman ng totoo hangga't walang nagsasalita sa amin. For now, wala muna kaming sasabihin. Sana tuparin ni RJ ang sinabi ko sa kanya. I have no intention to keep our relationship a secret, sasabihin ko rin naman sa tamang panahon. But not now. Really.

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon